Bitch Please 1

80 7 11
                                    

A/N: No Prologue so manigas ka!

KABANATA UNO

Ewan ko ba kung malas ako o sadyang makati lang talaga ang bilat ng nanay ko at nagpabuntis siya sa amo niya sa Saudi Arabia. Karahas-rahas lang ang nangyari sa buhay ko. Magatapos  mag chuk-chakan ng magaling kong ina, tumakas sa amo niya tangay ang 13th Month Pay niya. Kaya ang resulta, na banned siya sa Saudi Arabia. At sakto sa pagkabuhay ko sa sanlibutan ang pagpapakamatay ng gaga. Ininom ba naman ang ethyl alcohol! Diyos ko!

"Mirasol Sakramento! Ihanda ang kabayo, magho-horse back riding ako!!"

"Panget!! Ang tampon ko, nireregla ako!!"

"Mira-"

"Sandali lng po!!!"Ayan na naman ang magagaling kong pinsan.Oo, kambal sila. At pareho silang magkakamukha, pareho silang mga PANGET!!

Hindi pa sila natinag, piantunog pa talaga nila ang kampana. 

"MIRASOL!!!!!!!!!!!!!!"Kumidlat, nagsilabasan ang mga ibon, nawalan ng dahon ang mga puno, at ang pinaka-matindi, namatay ang hardinero dahil sa lakas ng boses nila. Ngali-ngali akong sumakay sa elevator upang madala ang tampon ni Mirabella.Sa kadulu-duluhan na ako ng makaligtaan ko ang kabayo ni Maribelli, isang kambal ni Maribella.Ngali-ngali ko namang pinindot ang elevator pababa upang pumunta sa kuwadra at makuha ko ang pinakamamahal ni Mirabelli na puting kabayo. Oo, nagho-horse back riding ang gaga sa luob ng kanyang kuwarto, at siyempre, ako naman ang maglilinis sa pinag-iwanang dumi ng gaga. Isipin niyo nalang kasinlaki ng ektarya ng Malacanang ang kanilang kuwarto, diba bongga? Isipin niyo na ding kasing laki ng banyo nito ang kuwarto ko. 

Dahil sa hindi kasya ang kabayo sa elevator, naghagdan nalang ako.

1233456789089676767 hours passed bye..........

"Gaga ka! naipampahid ko nalang ang Elle Magazine ko dahil wala pa ang tampon na pinapakuha ko!" sabay hablot sa buhok ko. Habang si Mirabelli naman ay pinapakain ng carrot ang kanyang kabayo, bigla siyang nagsalita.

"Bakit ang tagal-tagal mo Mirasol. Akong si Mirabelli pinaghihintay mo?!"

"kasi-" hindi na ako nakapagsalita dahil sa pgdugtong ni Mirabella.

"Mahiya ka naman Mirasol, hindi dahil sa nanay mo na tita namin na kapatid ng mama namin na anak ng lola namin, hindi ka namin aampunin!"

"Pero-"

"Sasagot ka pa talaga, wala kng modo!" sabi naman ni Mirabelli na siyang halos ikaputok ng mata niya sa sobrang panggagalaiti.

"Hindi naman sa gano-" ayan na naman sila.

"Sasagot ka pa talagang bastos ka!!" sabay hablot ng buhok ko.

"salbahe ka!"

"gaga ka talaga!"

"wala kang utang na loob!"

Pinagsasakal, pinagsasabunot, pinagsasampal nila ako hanggang sa maging lila ang kulay ng aking balat.

"Ayan talaga ang mapapala mo kung sasagot-sagot ka pa, ITIENDESSS!!???"

Napa-oo nalang ako sa litanya nila.

"Nauuhaw ako, bigyan mo ako ng juice!"

"Ako rin!"

Um-oo ulit ako at bumaba gamit ng elevator. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pagkadurog ng aking puso. palapit na ako sa kusina ng nakaramdam ako ng pag-iinit sa aking mata. Nagsilabasan ang mga luhang dapat kanina pa pumapatak. gusto ko itong tigilan pero kusang tumulo. Pilit ko mang itago pero nasasaktan ako, ang sakit-sakit! Ba't ba ganito ang kapalaran ko? Ba't ba ganito?? Sumalubong ang mukha kong puno ng pasa ng mapadaan ako sa salamin. 

"Makakaganti ka 'rin Mirasol! MAKAKAGNTI KARIN SA MGA PINANGGAGAWA NILA SA'YO!!"

"Matitikman nila ang batas ng pagiging isang api!!"Muling nagbunyi ang malandikong kaluluwa.

"Matitikman nila, matitikma-"

"BITCH PLEASE?"

Sa lakas ng pagprotesta ko ay may nakarinig sa'kin. Sa boses palang niya ay mahahakot lahat ng tinatago mong galit at tila matutunaw ka. Dahan-dahan akong napalingot at.....Si- si Tiya Ursula, ang mama ng kambal.

"TI-Tiya Ursula-"

"Diba sinabi ko sayong huwag mo akong tawaging tita?! Dapat MADAM!!!"

Huhuhuhuhu, panibgong kamalasan! BUWISET!

Bitch Please!Where stories live. Discover now