Si Cathalia, anak ng isang mayamang pamilya. Si Lucas, anak din ng isang mayamang pamilya. Magkaibigan ang mga magulang nila kaya ang mga magulang nila ay magka sosyo sa kanilang malaking negosyo at sa mga business projects. Ngunit sina Caty at Lucas ay likas na di talaga mapagkasundo, simpleng bagay ay pinag-aawayan pa. Parang aso at pusa kapag pinagsama. Pero naging mabilis ang pagbabago. Utay-utay na rin silang nagkakamabutihan. Ngunit... Dito pa lamang magsisimula ang mga pagsubok nila, nang may nadiskobreng mga nagtatangka sa buhay ng mga Caster. At kung kelan may nadarama na si Lucas para kay Caty ay dadating naman ang kanyang fiancé. Totoo nga ba talaga ang katagang "The more you hate, The more you love."?