Chapter 19

44 2 0
                                    

Tumawa muli si Caty sa kanyang narinig. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi sa akin uubra yang style na iyan?" sabi niya. "At bakit naman ako mahuhulog sa iyo samantala ang dami-dami mo nang kalokohang ginawa sa akin magmula pa lamang ng mga bata pa tayo?" dugsong pa niya.

"Talaga lang ha? Paano kung patunayan ko?" tanong ni Lucas. "Paano kung totoo at hindi loko? Anong gagawin mo?" dugsont pa niya.

"Ewan... At bakit? Anong gagawin mo? Luluhod sa harap ko? Gagawa ng intermission? Bibigyan ako ng bulaklak at chocolate?" tanong ni Caty.

"Malalalaman mo rin..." sagot ni Lucas at nahiga uli ng komportable sa kanyang higaan.

Pagkatapos non ay pumasok na ang mama at papa ni Lucas kasunod si Felicia. May dala-dala silang mga pagkain pang agahan nilang dalawa. Kasunod nila ay pumasok ang isang doktor at ineksamen muli si Lucas para matinganan na ang kanyang kalagayan.

"Bumubuti na ang kalagayan mo. Maswerte ka at hindi sa may spinal chord tumama yong bala." sabi ng doktor kay Lucas.Ngumiti si Lucas. "Salamat po." sabi niya sa doktor bago umalis. Lumabas muna ng kwarto si Caty at nagdesisyon maglakadlakad sa may parke sa likod, para makalanghap naman ng sariwang hangin. Malamig ang panahon dahil malapit nang magpasko ulit. Kay bilis nga naman ng panahon. May mga tao ding may kapansanan at may sakit ang mas piniling magpahangin sa labas kesa manatili sa loob ng ospital na puro airconditioned na hangin ang malalanghap mo. Sa kanyang paglalakad ay may nakasalubong siyang isang batang babae na naka upo sa kanyang wheel chair at tulak-tulak ng nurse na naga alaga sa kanya.

"Magandang umaga..." bati ng bata sa kanya.

"Magandang umaga din." bati naman ni Caty sa bata at sabay hinto.

"Ate, may sakit ka ba? O may dinalaw ka lang?" tanong ng bata.

"May binabantayan lang akong tao." sagot ni Caty. "Ikaw?"

"Kukuha lang ako ng panyo, tubig at makakain mo sa loob." paalam ng nurse bago umalis.

"Ako? May sakit ako kaya ako'y nan dito." sagot ng bata.

Lumuhod si Caty sa tapat ng bata para magkasing pantay na sila. "Anong sakit mo?" tanong ni Caty.

"Meron akong lung cancer stage 2..." sagot ng bata.

"Magpagaling ka ha… Ako si Caty, anong pangalan mo?" tanong niya sa bata.

"Ako si Kristy." pakilala ni Kristy at nagkamayan sila.

"Kinagagalak kong makilala ka." sabi ni Caty.

"Ate Caty, ano bang sakit nong binabantayan mo?" tanong ni Kristy.

"Um... Marami." sagot ni Caty. Tumingin sa kanya si Kristy kaya siya ay nagpatuloy."Katulad ng sakit sa yabang, sakit sa pagsisinungaling, sakit sa tigas ng ulo at sakit sa utak." sabi ni Caty. Tumawa silang dalawa ni Kristy.

"Ang dami naman n'yon... Parang ngayon lang ako nakarinig ng ganong sakit. Hahaha!" sabi ni Kristy habang tumatawa silang dalawa.

"Dahil bukod tanging sa kanya lang iyon!" sabi pa ni Caty.
"Siguro masaya syang kasama?" sabi ni Kristy.

"Pagminsan, pagminsan din ay nakaka inis at nakaka irita din. Para siyang isang buhay na halimaw. Tawag ko nga sa kanya 'Ugly Monster'." sabi ni Caty.

"Bakit? Nakakatakot ba ang mukha niya?" tanong ni Kristy. "Pwede moba siyang ilarawan?"
"Um.... Matangkad, itim ang buhok, matangos ang ilong, at maangas pumorma...." sabi ni Caty at nag-iisip pa ng kung anong pwedeng mailarawan.

"Parang di naman siya mukhang halimaw." sabi ni Kristy. "Kamukha niya!" sabi ni Kristy sabay turo sa may likuran ni Caty. Kaagad namang lumingon si Caty at nakita si Lucas na naga lakad papunta sa direksyon nila.

Learn To Love Your EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon