Si Mysty Herrera ay isang K-drama fan. Sa likod ng kanyang mapang-akit na itsura ang palaban na sarili. Mayroon siyang mapagmahal na pamilya at ang matalino pero war freak na Kuya, masasabi niya na wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay. Ngunit isang insidente ang babago sa isip niya para lumipat ng eskuwelahan kung kailan nasa huling taon na siya sa high school. At sa paglipat na 'yon ay dala sa puso ang pangakong pagbabago. Sa nilipatan na eskuwelahan ay papasukin niya ang mundo na walang nagtatangkang pumasok. Maka-survive kaya siya? Lalo na kung ang makakatapat niya ay ang isang sikat na karerista na ilag ang kahit na sino. Kakayanin ba niya ang hamon ng bagong mundo na kanyang pinasok? Maraming sikreto ang mabubunyag, may mga pusong masasaktan... may mga matutuklasan na hindi dapat malaman. Hindi madali ang maging isang teenager lalo na kung napaliligiran ka ng mga taong perpekto sa paningin ng karamihan. Handa ka ba sa lahat ng rebelasyon na nababalot sa pagkatao nila? Kung oo, buckle up mula simula hanggang sa the final drift.