Pilit kong tinatakasan ang aking nakaraan na siyang nagparanas saakin ng matinding kahirapan. Secrets. Mga sikretong dapat walang makaalam, mga sikretong ibinaon ko na sa lupa para hindi na nila ako balikan. Ngunit may dumating na pilit na ipinagsiksikkan ang kanyang sarili sa madilim kong buhay, paulit-ulit niyang sinasabi na matutulungan niya ako sa mga problema ko. Tinanggap ko siya, pero hindi niya ako tinulungan. Trinaydor niya ako, akala ko mapagkakatiwalaan siya pero hindi. Sino nga ba siya? Anong kinalaman niya sa mga nangyari saakin noon? Gusto nga ba niya akong tulungan o para patayin ako?