Secret 2

22 5 0
                                    

2





Pagkauwi ko sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko para gamutin ang sugat ko. San ko to nakuha? Sa bwisit na Ethan na yan, kung nagstay nalang sana ako dun ng mas matagal edi sana hindi nangyari to saakin. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit to.








Flashback:


Nandito parin ako sa taas ng puno nakikinig parin sa usapan nila pero puro walang kwentang bagay nalang ang pinag-uusapan nila kaya nababagot na ako.


Umuwi nalang kaya ako? Tutal nag-absent narin ako sa ilang subjects ko eto ituloy-tuloy ko na lang. Napansin kong nakatalikod silang apat sa punong kinaroroonan ko, tumingin ako sa baba, hmm hindi naman masyadong kataasan yung inakyat ko siguro makakaya ko namang talunin to ng hindi nakakagawa ng ingay, at sana lang hindi nila ako mapansin dahil kung hindi baka kung ano nanaman ang gagawin nila saakin.


Hinahanda ko na ang aking sarili para tumalon nang napansin nagtatawanan sila. Magandang timing to ah, kaya kinuha ko na ang pagkakataon na yun para tumalon, good thing walang ingay na narinig at naririnig kong patuloy parin sila nag tatawanan kaya wala ng lingon-lingon tumakbo na ako paalis sa garden pero hindi pa ako nakakalayo pakiramdam ko may papalapit saaking pocket knife na tatama sa pisngi ko kaya bago pa ako matamaan ginalaw ko patagilid ang ulo ko pero kung minamalas nga naman nahiwa ng konti yung pisngi ko kaya nag simula ng lumabas ang dugo agad ko namang tinakpan ng panyo para huminto yung pagdudugo nito.


"Alleya right? Anong ginagawa mo dito?" rinig kong tanong ni Ethan saakin, hindi na ako nag abala pang sagutin ang tanong niya, mabilis nalang ako tumakbo papuntang parking lot at sumakay sa kotse ko, trivia lang hindi alam ng mga students na may tagong parking lot dito sa school, at para sabihin ko sainyo ako lang ang pwedeng mag park dito.


"Tss. Babawian din kita sa susunod Ethan, mas maganda pa sana kung masasakit na salita nalang sinabi mo keysa sa batuhin mo ako pocket knife mo" sabi ko habang hawak-hawak ang pocket knife na binato niya kanina, hindi ko alam kung napansin ba niya sinalo ko to kanina o hindi. Tss may nakaukit pang L.R sa gitna.


(eto yung example ng pocker knife tapos isipin niyo nalang mag naka-ukit na L.R sa gitna ng pocket knife)

R sa gitna ng pocket knife)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




End of flashback:








7:45 na pala ng gabi baka nandun na sina nanay sa baba para kumain ng dinner. Pagbaba ko nandun na nga sila at ako nalang ang hinihintay nila.


"Alleya anong nangyari sa pisngi mo?" sabi ni nanay sabay lapit saakin para suriin yung sugat ko sa pisngi.


"Wala yan nay, naaksidente lang po ako sa school" sabi ko kay nanay at ngumiti para hindi na siya mag-alala pa.


Si nanay pa naman laging nag-aalala sa kung ano-anong bagay maliit man o malaki, samantalang si tatay laging iniintindi si nanay lalo na pag nag ooverreact siya.


SecretsWhere stories live. Discover now