Ang pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mga tagpuan sa isa't-isa, ay hindi ito ang basehan sa malalim na pagmamahalan. Kahit pa may namumuong pag-iibigan ay may mangyayaring hindi inaasahan, na masusubok ang lalim ng kanilang nararamdaman. Pero paano kung kailan pa nakaramdam ng pag-ibig si Merari ay kasagsagan pa ng digmaan. Kung saan puno ng dugo ang lupa, mga buhay na nalagas, mga sakripisyo at paghihirap. Kahit pa alam ng lahat na sa oras na magsimula ang digmaan, wala na itong katapusan. Kaya niya bang makipaglaban sa digmaan na siyang hadlang sa kanilang pagmamahalan? Kaya niya bang yakapin ang kaniyang kasalukuyan kahit hinahabol parin siya sa kaniyang masalimuot na nakaraan? Kaya niya bang tanggapin ang sikreto na matagal ng nakatago sa kaniyang anino? Kaya niya bang maghintay kahit walang kasiguraduhan? At Kaya niya bang hawakan ang pangakong maaaring masisira kahit hahantong sa labis na pangungulila? Under Major Revision
33 parts