Nagising ang mga armado. May dalawang kamay na pumigil sa'kin gayunadin ang iba. Pilit kong makatakas sa pagkahawak nito.
"Gustong mong makawala ha," bigla niya akong sinuntok sa sikmura. Napaluhod ako sa sakit at napaubo ng dugo.
"Merari!" Hindi ko magawang lingunin si Jane na siyang tumawag sa'kin.
"Habulin niyo ang mga nakatakas! Mga walangya!"
Lima kami na naiwan, mas doble ang pagbabantay nila habang ang ilan nilang kasamahan ay hinahanap pa ang mga nakatakas. Kasama kong naiwan ay si Jane, Mira at Hazel at Pauline.
"Patayin niyo kung kinakailangan." Nakaramdam ako ng kilabut sa sinambit ng lalakeng may bigote. Siya ang pinuno ng grupo nila. Sumulyap siya sa'min na may mala demonyong ngisi. "Gusto niyong tumakas? Akala niyo hindi ako maduming maglaro. Kung may magtangkang tumakas muli, may isa sa inyo ang papatayin sa maiiwan. Maliwanag?" Tinutukan niya kami ng baril.
Napayuko ako sa takot sa ginawa niya, isang maling galaw namin ay hindi siya magdadalawang-isip ipaputok ito. Sana lang ay makatakas ang pitong kasama namin.
"Boss!" Isa-isang tinulak ng mga lalake ang apat nilang nahuli. Puno ng pasa ang mga katawan nito at mukha. Napasinghap ang ilan sa'min nang makita ang mga ayos ng aming mga kasama.
"Nasaan ang iba?" Pagalit na tanong ng pinuno nila nang makitang may kulang sa mga nurse na nakatakas.
"May isa akong napatay Boss, wala akong magawa kundi barilin."
Napapikit ako sa narinig. Nalagasan na kami ng isang isa. Narinig ko ang mahinang pagsinghap na sinundan ng pag-iyak nila Jane at Hazel.
"Ang dalawa pa?"
"Hindi na namin mahanap."
"Mga walangya!" Pinagsisipa niya ang apat naming kasama ng walang tigil. Napaiwas ako ng tingin sa sinapit nila. Sana lang ang dalawang nakatakas ay makabalik ng ligtas at makapagsumbong sa nangyari.
Sa sumunod na araw ay nagpatuloy kami, tinulungan naming makalakad ang apat naming kasamahan dahil sa natamong sugat. Mas lalong masukal ang daan na tinatahak namin. Nasaan na ba kami? Napapahawak parin ako sa aking sikmura sa natamo kong suntok. Mas lalong humina ang katawan ko, walang tubig at walang pagkain.
"Kris!" Napatakbo kami pabalik nang makitang natumba ito at nawalan ng malay. Isa siya sa nahuli kagabi at nakatanggap ng sipa.
"Aish, patayuin niyo siya! Kung ayaw niyong mabawian siya ng buhay ng wala sa oras!" Mahina naming sinampal ang pisngi nito pero hindi parin gumigising. Wala kaming magawa kundi magtulungang alalayan siya.
"Bilisan niyo!"
"Boss malapit na tayo!" Napalitan ng saya ang mga mukha ng mga armado.
Ilang minuto ang dumaan at tumigil kami sa isang tagong bahagi na may iilang lumang kubo na sira-sira na. "Nandito na sila!"
Sinalubong kami ng ilan pang mga armadong lalake. Maaaring ito ang kampo nila. Mas lalong mahihirapan kaming makatakas muli. Napayuko kami habang pinupukulan ng malalaswang tingin ng mga ito habang hila-hila ng ilang armado. Kinulong kami sa isang kubo na butas butas at may limang nakabantay sa labas.
Nakahinga kami ng maluwag nang binigyan kami ng tubig, halos mag-agawan kami sa isang pitsel ng tubig na inilapag sa aming harapan.
"Mabuti naman at naisipan pa nila tayong bigyan ng tubig, akala ko hahayaan nila tayong mamatay sa uhaw," bulong ni Jane.
Dahil sa pagod ay nakatulog agad kami at 'di alintana ang masangsang na amoy na kinalalagyan namin. Lalo na sa matigas na hapag na aming kinahihigaan. Nakayakap si Mira kay Jane na parang bata gayunadin ang iba, kaniya-kaniyang pwesto sa maliit na pwesto.
YOU ARE READING
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...