Chapter 31: The Secrets Inside his Room

72 5 0
                                    

Isang katok ng pinto ang nakapagising sa'kin. "Merari!"

Napabalikwas ako sa kama at walang ganang tumayo para pagbuksan si Tito Redrick. Ang aga naman ni Tito mambulabog.

"Ano po iyon?" Papikitpikit pa ako at kinukusot ang isa kong mata. Suot ko parin ang itim na damit sa libing kahapon.

"Fixed yourself, Merari!" Nagulantang ako sa malakas na sigaw ni Tito. Sa unang ppagkakataon ay sinigawan niya ako. Agad naman niyang napagtanto ang kaniyang ginawa at napaiwas ng tingin.

"Its okay Tito, no hard feelings."

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at mahinang napailing habang nakatingin sa ayos ko. Sa kakaiyak ko kagabi ay hindi na ako nakapagpalit ng damit, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

"Tumawag kanina si Mrs. Hemes. Gusto ka niyang papuntahin sa kanila ngayon."

"Why?"

"Its about him." Nagising ang buo kong sistema at diwa.  Alam ko agad kung sino ang tinutukoy niya. 

Walang pagdadalawang-isip akong napatakbo sa banyo at naligo. Nang matapos akong magbihis ay tumakbo na ako sa labas kung saan alam ko ng nakaabang na si Butler Jack, lately ginawa ko na siyang driver hindi naman nagagalit si Tito. Tumango ito pagkapasok ko sa loob at mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan, napansin nito ang pagkabalisa ko, sa panay niyang pagsulyap sa'kin. Sa loob palang ng sasakyan hindi na ako mapirmi.

"Nandito na po tayo."

Walang paalam akong lumabas at tumakbong pumasok mansyon ng Hemes.

Sa aking pagpasok ay sinalubong na agad ako ni Mrs.Hemes. Bakas ang ilang luha sa kaniyang pisngi at ang pamumula ng kaniyang mata.

"Mrs. Hemes," tawag ko dito, at napansin ko ang pagpipigil niya ng iyak.

"Follow me."

Nagtataka akong sumunod sa kaniya, dinala niya ako sa pamilyar na pinto. Tanaw ko dito ang katabing kwarto na ginamit ko noon. "Ito po ang kwarto ni Zaizen. Nandito na po ba siya?"

Pero malungkot siyang umiling at binuksan ang pinto. "Come, you need to see these." Binuksan niya ang malaki ang pinto, nakaramdam naman ako ng kaba habang papasok.

Agad sumalubong sa'kin ang napakapamilyar na amoy. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid, isang tipikal na kwarto ng isang lalake. Pero pansin ko agad ang malaki niyang bookshelf na puno ng mga libro. Lumapit ako doon at hinawakan ang mg ito. Hinawakan niya rin ba ang mga ito gaya ng ginagawa ko ngayon?

"Kagabi, nagtungo ako dito. Hindi ko na kasi mapigilang makaramdam ng pangungulila sa kaniya. Matagal-tagal na noong huli kong pagpasok dito kaya ngayon ko lang nakita."

Lumapit ako sa kama kulay abo ito at ang mga unan ay kulay puti. Mahina ko itong hinawakan. Sana nakikita ko siya ngayon na natutulog lang dito sa kama, na hindi ganito, kahit katiting na impormasyon wala kaming alam. Dumapo ang tingin ko sa side table agad kong kinuha ang picture na nandoon.

Ito ang araw na nagkaroon ng party sa Evergard at pinakilala kami ni Abe sa lahat. Sa gown palang na suot ko sigurado na akong kinuha ang larawan sa araw na 'yon. Saan naman niya kaya nakuha ang larawang ito? Halatang nakaw lang dahil sa ibang direksyon ako nakatingin habang nakangiti.

"Merari," nabaling ang tingin ko kay Mrs.Hemes.

"Kailangan mo itong makita."

Kunot noo akong lumapit sa kaniya. Nakatayo siya sa isang dingding na natatakpan ng pulang kurtina. Mahina niya itong inalis at tumambad ang napakalaking larawan ko, isa itong collage. Lumapit pa ako at napagtanto na ang ginamit niya para mabuo ang napakalaki kong larawan ay nakaw din na mga larawan ko. May iilang larawan na ilang taon na ang nakakaraan at hindi ko pa siya kilala sa mga panahong iyon. Kilala niya na ako noon palang matapos niya akong nailigtas sa mga mangangalakal noon. Pero huli narin iyon, wala na akong balita sa kaniya. Paano? May pictures pa na nakatulala lang ako sa glass window sa bookshop ni Papa. Napatulala ako na mapagtanto ang ibig sabihin ng lahat ng ito.

A War Between Us (UNEDITED)Where stories live. Discover now