Last Chapter: Waiting For You

151 5 2
                                    

Agad na pinaharurot ni Butler Jack ang sasakyan patungong War Office. Umaasa ako na isa itong pagkakamali at buhay parin siya. Kahit kaunti lang ang pag-asa paghahawakan ko. Patakbo akong pumasok sa opisina at lumapit sa front desk.

"How may I help you Miss?"

"Gusto kong makausap si Colonel Alexander, please."

"May appointment po ba kayo sa kaniya?" Napasapo ako sa aking noo at umiling. "I'm sorry Miss, bawal pong kumausap sa kaniya na walang appointment. "

Napairap ako at malakas na hinampas ang mesa. "It's urgent!"

"Miss please calm down." Napatingin siya sa mga tao sa paligid. Nasa amin na pala ang atensyon ng lahat at may iilang sundalo na ang handang hulihin ako kung kikilos pa ako na hindi nararapat.

Huminga ako ng malalim. "I'm sorry, Gusto ko lang talaga siyang makausap. Can you call him?"

"I can't miss, he's in a meeting."

"Bakit hindi mo sinabi kanina pa lang?" May halo ng inis at pagkairita ang pagkakasabi ko.

"Because you never ask," simple nitong sagot.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya, I need to do something. Nabaling ang tingin ko sa dala kong shoulder bag. Sorry, Tito Redrick I think I need to use your surname. Sana lang hindi niya ako mapapagalitan.

"I need to talk to him, order from the Evergard." Tinapon ko sa kaniyang harapan ang card na ibinigay ni Tito noon sa'min ni Abe. He said we can use it as long as in a good way.

Nanlaki naman ang mata nito at agad tumawag gamit ang telepono. Sinusulyapan pa ako habang sinasagot ang tawag. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napaiwas siya ng tingin at bumaling sa ibang direksyon.

Nang ibaba niya ang telepono ay agad itong humarap sa'kin. "Sorry, awhile ago Miss. Please follow me." Kailangan pa ng kilalang tao bago ko siya makausap. Sumunod ako sa kaniya at dinala sa isang double door na pinto. Kumatok siya ng tatlong beses bago binuksan ito.

Pagpasok ko ay agad kong nakita si Colonel malapit sa bintana at nakatanaw sa loob. May hawak siyang baso ng alak sa kaliwa niyang kamay.

"Why are you here Merari? Ginamit mo pa ang koneksyon mo sa Evergard without an appointment." Walang emosyon niyang sabi sabay lingon sa'kin.

"Its urgent, gusto kong ikumpirma ito." Inilapag ko sa maliit na mesa ang telegram. Kunot ang noo niyang napatitig doon.

"A telegram? Tumaas ang isa niyang kilay. "Inistorbo mo lang ang mahalagang pagpupulong ko dahil sa isang telegram, really Merari?" Bakas na ang pagkairita sa kaniyang boses at pagkadismaya.

"Its not just a telegram Colonel. Its a telegram your mother received this morning."

Napatigil siya sa pag-inom ng alak. Lumapit siya sa mesa at ibinaba ang kaniyang alak para kunin ang telegram na inilapag ko.

"Died in action, seriously? I have a strong feeling that telegram is a mistake! And if it's true, then show me his dead body and not just a piece of paper for me to believe!" I burst out in front of him. Hindi ko na napigilan pang umiyak. "Please tell me, and show me," puno ng pagmamakaawa kong sagot.

"Hindi ito bahagi ng trabaho ko, pero sa ganitong impormasyon dapat itong dumaan sa'kin lalo na kapatid ko ang tinuturo dito. I don't have any idea about this. Wait here," at siya ay umalis iniwan akong mag-isa sa malaki niyang opisina.

Hindi ako mapirmi sa aking kinauupuan at binabalutan na ako ng kaba. "Zaizen please, I'm begging you." Kailangan niyang tuparin ang kaniyang pangako. Ayaw kong matulad siya kay Papa na naging pako ang binitiwang pangako. Hindi ko kakayanin na mawala rin siya, ang dami na ng taong namatay na malapit sa'kin. Ayaw ko ng dagdagan pa.

A War Between Us (UNEDITED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang