Ano ang kaya mong gawin para maitago ang sikretong iyong pinangangalagaan? Hanggang saan aabot ang galit na matagal mo nang kinikimkim dulot ng isang pangyayaring hindi mo inaasahan? Natural na sa tao na kapag nagigipit, kung ano-anong bagay ang gagawin para maka-ahon. Kung sino-sino ang tinuturo kapag nasisisi. Sari-saring kasinungalingan ang sasabihin para pagtakpan ang sariling mga kasalanan. Pero kahit anong pagtatago ang gawin mo, sa huli ay malalaman at malalaman pa rin ang mga ginawa mong kamalian. Lumalabas ang tunay na kulay ng isang tao kapag nasa bingit ng kamatayan. All rights reserved 5/31/2020