Chapter 24

2 1 10
                                    

Chapter 24: Thank You

Ayie's Point of View

Pagkatapos ng mahabang araw sa school ay agad akong dumeretso sa Cebuana para kuhain ang ipinadala ni Tito na pera. Pagkatapos ay pumunta ako sa supermarket para mamili ng grocery dahil paubos na ang stocks namin ni Mama sa bahay. Pansamantala ko munang isinantabi ang problema namin sa school dahil pakiramdam ko ay sasabog lang ang ulo ko sa kakaisip kung iintindihin ko pa ito.

Tulak-tulak ang push cart, naka-uniform pa rin ako at tsinelas dahil natuluyan nga 'yung ulan. Nabasa pa 'yung palda ko kasi bitin nga 'yung kapote at sira pa pala 'yung payong na nadala ko, mabuti nalang at hindi nabasa 'yung mga laman ng bag ko. Dahil doon ay naka-cycling shorts lang ako na nagtatapos ilang pulgada sa itaas ng tuhod ko. Nakablouse pa ako kaya ang pangit tuloy tingnan ng suot ko, pero dahil sanay naman na ako ay hindi na ako nahihiya. Pakialam ba nila?

"Sabon, check. Toothpaste, ayos na rin. Shampoo... Ano pa ba..."

"Conditioner? Toothbrush? Albatross?"

"Ay puke--!" Agad kong tinakpan ang bibig ko nang may mapatingin sa aking ibang customer. Ang kabila ko namang kamay ay nakahawak sa non-exitent na dibdib ko dahil sa gulat.

"Mukha kang nakakita ng multo." Tila ba naaliw na sabi ni Rivera sa akin. Umamba ako ng tadyak pero wala pa man ay umiwas na siya.

"Hoy, ikaw, ano namang ginagawa mo dito?"

"Namimili?" Pamimilosopo niya. Ipinakita pa niya ang bitbit niyang basket.

"Sinusundan mo na naman ba ako?" Naningkit ang mga mata ko.

"Who knows." Nag-kibit balikat pa siya at humarap sa kabilang shelves. Binigyan ko pa siya ng isa pang tingin bago nagtungo sa kabilang aisle.

Kumuha ako ng dalawang lata ng sardinas. Nagdikit ang mga labi ko nang may mapansin.

"Ano bang trip mo?" Hinarap ko si Rivera nang mapansing nakasunod pa rin siya sa akin hanggang ngayon.

"Wala naman." Sagot niya at kumuha ng isang lata ng century tuna. Agad niya rin itong ibinalik sa lagayan. Nangunot tuloy ang noo ko.

May pa-'who knows' pa siyang nalalaman d'yan, eh mukhang sinusundan niya nga talaga ako. Sinilip ko 'yung basket niya, iisang sabon lang ang laman at hindi na nadagdagan pa.

"May gusto kang sabihin, ano?" Tanong ko ulit sa kaniya.

Akala ko ay sasagot na siya ngunit bigla siyang naging interesado sa mga de latang nadadaanan namin. Nakatingin siya ngayon doon sa mga lata ng sardinas. Parang ngayon lang ata 'to nakakita ng Ligo ah.

"Hoy, Rivera." Naiinis kong tawag dahil hindi niya ako pinansin.

Para siyang batang lumingon sa akin, nagkukunwaring walang narinig kanina. Napakamot ako sa likuran ng ulo ko, ang wirdo talaga nitong lalaking 'to kahit kailan.

"Ano nga 'yun? Tungkol na naman ba 'to sa hinala mo?"

"Yes." Tumango siya. Isa. Dalawang beses. "Yes, it is. Are you convinced now?"

Napabuntong-hininga ako at buong lakas siyang tiningnan nang deretso sa mga mata.

"Alam mo, ang kulit mo. Tanong mo na rin 'yan kanina." Bago pa siya makasagot ay inunahan ko na siya. "Kung pwede lang... Please lang, 'wag muna ngayon. Gusto ko lang ng peace and quiet. Kahit sandali lang." Sabi ko pa.

Hinintay ko siyang magsalita ngunit nang walang lumabas sa bibig niya ay nilayasan ko na siya.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

LilithWhere stories live. Discover now