Chapter 17

14 3 14
                                    

A/N: A quick warning! Profanities and a lot of bullying.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Chapter 17: The Ghost Of Their Past

Krisnel's Point of View

"We need to talk."

Sinuspend ang klase namin dahil sa nangyari at paalis na kaming lahat nang bigla iyong sabihin ni Graille. Lumingon ako at nakita ko siya, nakatayo sa gitna ng aisle, sa mismong pwesto kung saan nakita naming nakasabit ang si Shirley kanina.

Saglit akong nasaktan para sa kaniya. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng minamahal sa buhay. At ang mas masaklap pa ay nag-away sila bago mangyari ito. Hindi ko nga alam kung nagkabati ba sila o ano.

"I need to shop pa, we can just skip this 'di ba?"

"Oo nga, p're. Magpapractice pa ako ng swimming."

"Nag-aya si Mon na tuturuan niya kami ng baseball kaya hindi pwede ngayon."

"Kailangan ko nang umuwi. May gagawin pa 'ko."

"Ako rin, may gagawin tulad ni Chester. Pwede naman sigurong bukas nalang 'to?"

Kanya-kanya silang dahilan, halata namang gusto lang iwasan ang pwede naming mapag-usapan. Sa ipinapakita nila ay bigla kong naalala ang pinaka-magaling na talento ng section na 'to... Ang magpanggap na walang masamang nangyari at tumakbo mula sa mga kasalanan na nagawa nila.

"Pero hindi naman siguro matagal 'di ba?" Tanong ni Ayie humarap sa lahat. Sinubukan niyang harangan ang iba pero bigo siyang pigilan ang mga ito. Walang sumagot sa kaniya. Halos mag-unahan na sila sa paglabas ng classroom.

Kumuyom ang mga kamao ko. Iilan na lamang kaming wala sa may pinto. Ang gagaling talaga. Gusto ko silang sigawan para tumigil at sakaling matauhan pero alam ko namang hindi ko kaya.

"Huy, pakinggan muna natin siya." Pakiusap ni Raven ngunit kagaya ni Ayie ay walang nakinig sa kaniya.

"They're not listening..." Narinig kong bulong ni Eula sa sarili.

"Tara na kasi, kambal." Tinangkang higitin ni Ed si Eula paalis pero hindi ito natinag. Kahit na babae si Eula ay mas malakas pa rin siya kaysa kay Ed.

"Shut up, Edriel. Gagaya ka talaga sa kanila?" Masama niyang tiningnan ang kakambal. Napabuntong-hininga na lang si Ed dahil alam niyang wala siyang magagawa laban kay Eula. Alam niyang seryoso ito ngayon dahil tinawag na siya nito sa tunay niyang pangalan.

Sa asaran at pang-aalaska ay talo ni Ed ang kapatid. Pero sa ganitong seryosong sitwasyon? Bilang mas nakatatanda sa kanilang dalawa, kung ano ang sasabihin ni Eula ay iyon ang susundin niya. Lalo na't madalas ay hindi niya alam ang gagawin kung mag-isa lang siya. Si Ed kasi 'yung tipo ng tao na kapag wala si Eula ay ang majority ang sinusunod. Ito ang pinakaayaw ko sa ugali niya.

Napatigil ang lahat nang biglang tumawa si Graille. Napalingon ang iba sa kaniya... Gulat ang makikita mong nakaukit sa kanilang mga mukha. Tanging si Ethan lamang ang napansin kong hindi nagbago ang ekspresyon.

Hindi ko rin naman sila masisisi. Bihira mong maririnig si Graille na tumatawa. At kung paano siya humalakhak ngayon... Para siyang isang taong may sakit sa pag-iisip na nakatakas sa asylum. Sarkastiko iyon at puno ng pait, pero sa lakas ng tawang iyon... para siyang naaliw sa mga nangyayari.

Nakakakilabot. Naramdaman kong nagtayuan ang mga balahibo ko nang lumakas pa ito at sinamahan niya ng palakpak. Nahigit ko ang hininga ko at iniwasang tingnan siya. Hindi dapat ngunit hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Naramdaman ko rin kasi noon ang nararamdaman niya ngayon...

LilithWhere stories live. Discover now