La Consolacion Unibersidad kung saan tanging mga babae lamang ang maaaring mag-aral dito. Ang paaralang ito ay tinayo noong ika-24 ng Oktubre taong 1892. . Wala pang isang taon simula nang maipatayo ito ngunit maraming mga kababaehan na ang pumapasok dito. Lahat ay mga anak ng mga nabibilang sa alta sociedad. Hindi sila tumatanggap ng mga estudyanteng walang pambayad ngunit mayroong isang dalagang napagkalooban ng suwerte. Kilalanin si Antonia Hernandez, ang masuwerteng nakapasok sa isang prestihiyosong paaralan sa tulong ng kaniyang amo. Ngunit paano kung mauwi ang lahat sa trahedya, matatawag pa bang suwerte ang nangyari sa kaniya?