Minsan, may darating sa buhay natin na isang tao, iyong tao na siyang itinitibok ng puso natin. Gagawin natin ang lahat para sa kaniya, iintindihin natin hangga't sa kaya pero pag hindi talaga, kailangan nang bumitaw na. Isa sa mga nakilala ko simula noong lumipat ako ng school ko ay ang lalaking si Trey. Ayos siya, badboy ang datingan saka medyo nakakatakot talaga. Ayaw niya sa akin, bakit? Well, bakla ako eh. Galit siya sa bakla. Sinubukan kong umiwas sa kaniya hanggang sa kaya ko pa, pero kahit anong iwas ko, itinitulak pa rin ako ng tadhana papunta sa kaniya. I love him, even he's heartless.