Dahil sa isang kasunduan, magbabago ang buhay ni Avyanna Elyse Concepcion. Ipinagkakait sa kanya ang pagpili ng kanyang mapapangasawa para matulungan ang pamilyang matagal nang kaibigan ng kanyang pamilya. Ang lalaking ito ay gusto niya, ngunit kinamumuhian siya. Bukod dito, kailangan niyang itago sa kanya na nalulugi na ang kompanya nito. Ito ay nagbubunga ng isang hindi pangkaraniwang sitwasyon kung saan mapipilitan silang magsama sa iisang bubong. Ngunit sa halip na magiging mag-asawa na nagmamahalan, sila ay parang aso't pusa na palaging nag-aaway. Paano kung may mangyaring pagbabago at may mahulog sa kanilang dalawa? Magiging totoo kaya ang kanilang kasal? ©All Rights Reserved -4EROXOTIC