Pinagtagpo ang dalawang mundo sa iisang eskwelahan. May iba-ibang nakaraan pero pagtatagpuin ng kasalukuyan. Andronika 'Black' Castillano.Mayaman, maganda at lahat ay nasa kanya na pero laman lagi ng gasag ulo hanggang sinabi ng Lolo nito si Maritheo na sa oras na mapatalsik muli ito sa patatlong eskwelahan na lilipatan ay wala na itong magagawa pa at itatakwil. Ngunit habulin talaga ng gulo ang dalaga kaya gumawa siya ng plano. Maghanap ng lalaking magpapanggap na kasintahan upang may kasama sa pakikipagbakbakan. Pwedeng gawing dahilan sa mga kasasangkutang away. Ngunit hindi mo aakalain ang pwedeng mangyari. Mahuhulog ka na lang at hindi mo na alam kung paano makakaahon. Hedrick 'Rock' Rockhood. Anak sa labas ni Daine Rockhood na may-ari ng eskwelahang pinapasukan nila. Hindi ito tumatanggap ng kahit ano sa ama at tanging tulong na lang na tinanggap ay ang pagpasok niya sa kanilang eskwelahan pero nakilala nito ang babaeng babago ng kanyang mundo. Si Andronika na bumago sa pananaw niya sa pag-ibig. Namalayan na lang niyang tumitibok ng mabilis ang kanyang puso kapag nagkakalapit sila. Ngunit maari pa kaya ang pag-ibig kung may maraming mga hadlang? Pamilya, estado at nakaraan. Kaya kayang remedyohan ng pag-ibig ang sugat ng kahapon? Hilumin ang mga pusong matagal-tagal na ring nasaktan.