BOSM#8 First Problem

0 0 0
                                    

First Problem

Andronika

Namalayan ko na lang na tumakbo na ako palayo ng gym at sa lugar na iyon. Sobrang sakit ng dibdib ko sa nakita ko. Hindi ko dapat ito nararamdaman sa pretending boyfriend ko kasi ibig sabihin lang noon ay nagsisimula na akong maging mahina. Iyon ang ayaw kong mangyari. Ayaw kong matulad ako kay Papa.

Pumasim na lang ako sa isang silid dito na hindi madalas puntahan ng mga estudyante dahil daw sa multo o ano. Wala na rin akong pake dahil nasasaktan ako ngayon at feeling ko ay pinagkakaisahan ako ng mundo.

Akala ko ay may isa itong salita. Na hindi nito babaliin ang napag-usapan pero Oo nga pala. Hindi niya pa kilala ng lubusan si Hedrick. Hindi ko dapat pinagkakatiwalaan ang isang tulad niya pero masikit pa rin talaga!

Pinagsusuntok ko ang pader para ibuhos lahat ng galit ko. Wala akong makitang pwedeng sumalo ng lahat ng hinanakit ko at wala naman din akong mapagsabihan. Shit!

Itinigil ko na ang ginagawa ko at isinandal ang ulo sa may dugong pader. Dugong nang gagaling sa kamao kong sugat-sugat na.

“Ang tanga-tanga mo! You should not believe on him!” gigil kong sabi sa isip ko “Ang hina-hina mo! Hindi ikaw ito Black dapat ginawa mo 'yong mga ginagawa mo sa mga taong ganon pero bakit ka basta na lang tumakbo! Duwag ka!” dugtong ko pa.

Napaupo ako dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko “You love him, don't you?” Isang boses ang sumulpot sa kung saan.

Tiningnan ko ang buong paligid at may anino ako ng lalaking nakita. Unti-unting luminaw ito ng tamaan ng sinag ng araw ang mukha nito. Matangkad ito siguro ay mga gabalikat lamang ako nito. Pula ang buhok at matangos ang ilong. Medyo singkit ito at kulay brown ang mga mata. Familiar siya sa akin.

“Red?” ito ang naging kaibigan ko sa US. Isa rin itong laman ng mga away kaya naging magkasundo kami.

Ngumiti ang manipis nitong labi na pinkish “Naaalala mo pa pala ako Black...nice hair” puri nito sa akin bago lumapit at pinahid gamit ang thumb niya ang mga luha ko “Bakit umiiyak ang prinsesa ko?” He is like this noon pa man. Prinsesa ang tawag nito sa akin at ganon din ang turing niya. Isa daw akong prinsesa na dapat ipagtanggol at protektahan.

Tinabig ko ang kamay niya at ako na ang gumawa ng pag pupunas ng mga peste kong luha “Bakit ka nandito?!

He chuckled “It's nice to see you too, Princess. But I'm here because you're here. So, tell me. Sinong nagpa-iyak sayo?” Naging seryoso at malamig ang boses nito habang binanggit ang tanong na iyon “I'll kill that man who cause you cry like this!

Niyakap ko ito ng mahigpit. Oo, na miss ko din itong lalaking ito. Naging kapatid na rin ang turing ko rito dahil sa ginagawa niyang mabuti sa akin.

Hinayaan lang ako ni Red na umiyak sa leeg niya. Oo nga pala, hindi Red ang tunay niyang pangalan. Parang nickname o code name lang namin iyon. He is Arthur Luther Vasco. Isang kilalang tao sa larangan ng mga away o sa mga gang dahil para kaming makapatid. Kung anong kaya ko ay kaya rin ni Red. Sabay kasi kami nitong nag ensayo at nagsanay para lumakas.

“Ayoko ng nararamdaman ko, Red...

Hinaplos nito ang likod ko. Sanay na ako sa ganyang galawan ni Red “Why? Are you afraid to fall?

Tinulak ko naman agad ito “I'm not. Wala sa vocabulary ko ang salitang 'yan Red...it's just that...” hindi ko alam kung anong itatawag ko sa nararamdaman ko ngayon.

“That you don't want to be like Tito Leonardo? Weak”

Oo tama siya pero hindi ko kinahiya si Papa dahil hindi siya naging malakas at matalino sa pagmamahal.

Tama din kayo ng iniisip. I think I'm starting to fall in love to that Rock. Mabait naman kasi ito at napakamadiskarteng tao. Buong buhay niya ay hindi siya umasa sa pera ng tatay niya. Para siyang ulilang lubos na tulad ko.

“Papa is not weak. Nagpakatanga lang siya sa Nanay kong malandi”

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Iyong araw na nag-aaway sila at umalis si Mama sa bahay namin. Sumama ito sa kabit niya. Napakamalandi, gold digger at lahat ng masasamang katangian ay inangkin na niya.

Hindi siya magtataka kung karmahin ito o ano. Ayaw ko na rin na alamin pa kung buhay o patay ang makati kong Nanay. Ang mahalaga ay walang taong nakiki-alam sa akin. Sapat na si Lolo Maritheo para sa akin.

---

Naglakad-lakad na lang kami ni Red bago ako hinatid sa room ko. Nagtagpo pa ang mga mata namin ni Hedrick pero ako na ang unang umiwas. Kapag ganitong sitwasyon ay madali akong mabasa ng iba. Kaya hanggat maaari ay umiwas mo na ako sa kanya.

“Salamat Red haginulo nito ang buhok ko katulad ng lagi nitong ginagawa. Hindi ko naman magawang sapakin ito ay parehas lang kami ng bilis ng reflexes nito.

“No problem, princessngumiti pa ito sa akin By the way, are you free after class?

Why?

“I just want to have dinner with you. If you won't mind”

Wala naman akong gagawin ngayon tsaka boring sa bahay. Wala din akong magawa roon. Mas maganda ng sumama at maglibang kaysa mabulok doon. Ano pa ang mga iisipin ko dun na ayaw ko naman din.

“Sige mama—

“Back off men!singit ng lalaking ayaw ko ngayong mapansin o maka-usap. Tsaka ano bang kailangan niya.

Hinawakan ako nito sa kamay kaya dumaloy ang malakas na elektrisidad sa kamay namin. Hindi ako makakibo sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. Pero may humawak sa kabilang kamay ko.

“Who is this Princess?” tumingin ako kay Red at doon lang ako natauhan. Mali ito dapat hindi ka maging mahina.

Tinanggal ko ang kamay ko kay Hedrick. Hinila naman agad ako ni Red papunta sa tabi niya.

Tama lang na bumitaw ako kay Hedrick. Sa simpleng pagbitaw ko pa nga lang ay sumuko na ito. Ano pa kaya kung sabihin-ERASE ERASE BLACK! Huwag kang magdrama!

“It's okay Red...he's my friend” 'di ko alam pero gusto kong isalampak sa mukha ng lalaking ito na napipilitan lang akong tawaging siyang friend. Ayoko siyang maging kaibagan lang pero mas maganda ng sabihin ko sa sarili ko na wala lang siya sa akin.

Tumango naman si Red “Hi bro! I'am Arthur Luther Vasco, nice to met you” nginitian pa nito si Hedrick. Ganito naman si Red sa iba pero iba yan katulad ko.

Tiningnan lang ni Hedrick kamay ni Red na gustong makipagkamay I'm Hedrick...her boyfriend”

Dyos ko aatakahin ako sa nangyayari ngayon. Alam ko namang mainit ngayon ang titig ng lalaking ito kay Red pero hindi naman kailangan ipagkalangandakan na boyfriend ko siya. Tsaka it's only in the contract.

“So you're the one who made her like that...” walang tinutukoy si Red pero alam ko iyong pag-iyak ko kanina ay alam niyang si Hedrick iyon dahil naikwento ko sa kanya na may boyfriend na ako at nakita kong may ginagawang kababalaghan ito sa likod ko. Tsaka iyong part na nasasaktan ako.

Back Off, She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon