BOSM#1 Respect

3 0 0
                                    

Respect

Hedrick

"And please...ayoko ng gulo. Kaya 'wag mo akong paki-alaman like what I did to yours" pumikit pa ito pagkatapos sabihin sa akin 'yon.

Pinupuno talaga ako ng babaeng ito. Hindi porket lagi niyang natatalo ang mga nakakalaban namin sa mga gang fight ay may gana na itong bastusin at ipahiya ako sa maraming tao.

Pinagmasdan ko pa ng isa si Black este Andronika na iyan. Presente itong nakapikit at nakataas pa rin ang paa. Tulad ng pagkikita namin sa mga away ay ganito talaga siya manamit. Hindi mukhang babae dahil mas barako pa siya sa kape ng Batangas. She become more dangerous this time habang nasa loob ng room na ito pero angel kapag nakapikit.

'Ano bang pinagsasasabi mo Hedrick?! She is your damn enemy!'

Oo, kalaban ko siya. Kapag nasa away kami ay para kaming mga hayok makapatay at makapanakit ng iba. Ito ang way ko para mailabas lahat ng galit ko sa mundo lalo na sa pamilya ng Tatay kong sumira ng buhay namin ni Nanay.

I'm Hedrick Falcon. Rockhood. Anak ako ng may-ari ng eskwelahang ito sa labas. Ama ko ang tatay ni Michael na si Daine. May asawa noon si Nanay pero dahil sa pinangakong magandang buhay, masaya at mapayapang pamilyang pinangako ng Daine na 'yon ay iniwan ni Nanay ang kanyang asawa habang pinagbubuntis na niya ako noon.

Umupo ako sa katabing upuan ng babaeng ito, kung saan ako laging naka-upo. Gusto ko rito dahil bukod sa parteng likod ay tanaw mo ang magandang hardin sa baba. Nasa likod lang kasi ng building na ito ang isang maliit pero magandang garden. Perfect para sa mga ayaw magpa-estorbo.

Sinulyapan kong muli itong si Andronika at ganon pa rin ang tayo. Pasalamat siya at maaga pa siya pumasok dahil wala pang prof dahil kung ito ang mga nakahuli sa inaasta ng babaeng ito ay ipapatawag siya ng mga nasa itaas.

Looking at her, I can't stop myself to be amazed. Her black hair fits on her. Dagdagan mo pa ng manipis pero dark brown na kilay nito. Iyong pointed nose niya at ang mapula-pulang manipis na labi nito na nagdagdag sa kagandahan ng mga mata nitong kulay abo kapag mulat. Maputi rin ang mga balat nito pero hindi mo mapagkakaila ang maitim na awrang nakapaligid sa kanya. She is mysterious type of person and thats the way everybody is scared on her...in or outside the fight. But I'm not scared on her, I found her interesting girl and part of me excited to know her more.

Umiwas ako ng tingin dito at tumingin na lang sa hardin sa baba.

Wala naman akong mga kaibigan dito dahil na rin sa impluwensya ni Michael. Ang tunay at legal na anak sa harap ng lahat. Tinatakot nito at pinahihirapan ang mga taong gustong lumapit o pakipag-kilala sa akin. Gusto niyang maging miserable ako pero hindi naman din nagkakalayo iyon sa tingin ko sa buhay ko.

Ano pang silbi ng buhay ko kung wala na rin naman si Nanay? Yes, my mothers died because of an accident when I was 7 years old. Kasama namin noon ang dahilan ng pagiging miserable namin...ko. Si Daine. Balak ng lalaking iyon na tumakas at iwan ang legal na asawa para sa amin. Tuwang-tuwa noon si Nanay pero dahil siguro sa karma namin ay inagaw ang buhay ni Nanay. Nabangga ang sinasakyan namin sasakyan dahil sa kotse ng asawa ni Daine. Bumangga ang kotse namin sa puno at doon na din nasunog ang katawan ni Nanay noong sumabog ito.

Malaki ang galit ko sa mga Rockhood pero sa ngayon ay kailangan ko pa sila. Sila ang nagpapaaral sa akin. Ayoko mang ikabit ang nakakasukang apelyido ng Tatay ko sa akin ay wala akong choice.

Tumahimik na. Andito na pala ang prof namin sa Algebra. Sinulyapan ko ang katabi ko. Nakaupo na ito ng ayos at nakatingin sa unahan kung nasaan ang una naming prof sa araw na ito.

"Good morning everyone! Nakilala niyo na siguro ang new student natin from Alvarez Academy" tahimik pa rin ang mga kaklase ko "But I want to call and invite Miss Castillano to introduce herself in front"

Castillano pala ang apelyido ni Bla—I mean Andronika. Ano kayang connection nito sa sikat na si Maritheo Castillano? Sigurado akong 'di pang karaniwang babae ang isang ito.

Tumingin muli ako sa gawi ni Andronika pero walang excitement na mababakas sa mukha nito. Pagka-bored ang nakaukit dito. Tumayo ito at halos matumba ang kaninang inuupuan nito sa klase ng pagtayo nito.

Naglakad ito sa unahan at halos kaming lahat ay nakatingin sa bawat kilos niya. Kung anong sasabihin niya kasi wala sa hitsura ng personality niya ang salitang respect.

Nakatungo lang ito sa unahan habang nakatingin ito sa sahig. Siguro ay sa black leather boots na suot nito lagi.

"Stand up stra—"

"Yeah" at tama nga ako. Walang respeto sa katawan ang babaeng ito dahil sa pagputol sa sasabihin ni Professor De Silva. Idagdag pa ang walang kabuhay-buhay nitong tono ng pananalita.

Umayos ng tayo si Andronika at noong tumunghay ito ay ito na naman ang kinakatakutang titig ng isang Black sa loob ng gang fight "I'm Andronika Castillano" pakilala nito sa sarili bago naglakad muli patungo sa kanyang upuan pero pinigilan ito ni Prof. De Silva na sa anyo ngayon ay mangangain na ng tao sa sobrang galit. Kita na ang ugat sa noo dahil sa pagkakakunot nito.

"STOP RIGHT THERE MISS CASTILLANO!" ang iba sa mga kaklase ko ay nabakas ang takot at gulat sa boses nito. Ito kasi ang dahilan kung bakit laging tahimik ang mga ito kapag oras na ni Prof. De Silva ""Look at me!" ito na ang tonong kinakatakutan ng lahat pero ang mukha ni Andronika ay ganun pa rin. Tila wala lang ang presensya nito sa kanya. Miski ako ay wala lang sa akin ang mga ganyan-ganyan ng mga professors namin "Is that the proper way of introducing yourself? And did your mother taught you how to respect others mostly the people who is older than you!"

Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa pero ibang klase ang Andronika na ito. Nagawa pa nitong pagtawanan ang galit na galit na si De Silva sa harap namin. Kaya ang ilan ay tutok na tutok sa nasasaksihan nilang tagisan ng tingin at tapang. Well kung papipiliin ako De Silva or Castillano. I chose Andronika as a winner. Isang sapak lang ni Andronika ay siguradong tulog na ang matandang ito.

"Sorry Mister I don't know but its my way on introducing myself on my whole time of existence in this world and another sorry for my Mother. She never taught me how to repect olds"

She is unbelievable and brave woman. Naaalala ko tuloy si Nanay sa kanya. She is like that but because of this Daine... she change and chose to be weak.

Umupo na si Andronika sa katabing upuan ko. Nagtama pa ang mga mata namin at nabasa ko ang galit na bumabalot sa kulay abo nitong mata. Pero hindi rin nagtagal dahil biglang naglaho ito at bumalik ang pagkamistoryoso niyang tao.

Andronika Castillano...who you really are?

Back Off, She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon