BOSM#17 Effect

0 0 0
                                    

Effect

Andronika

"Papa I'm sorry. 'Di ko po sinasadya. Huwag mo kong iwan!"

Pero patuloy pa rin sa paglayo sa akin si Papa "I love you Pa' at hindi ko naman ginusto 'yon. Kagagawan iyon ng demonyong 'yon"

Kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya at kasabay noon ay ang pagsampal sa akin ng isang nakakatakot na tao. Nakatali ang mga kamay ko sa silya kasama ang isa pang bata.

"BWAHAHAHA! Hindi ka makakaligtas hanggat hindi binibigay ng ama mo ang hinihingi namin!" Hinawakan ng malaking lalaking ito ang braso ko at tanging takot ang bumabalot sa akin dahil sa mga matang iyon na nakakakilabot kung tumingin.

"Lu-lumayo ka po sa-sakin! Tu-tulong!"

Paulit-ulit kong sinabi 'yon hanggang makita ko na lang ang sarili kong tumatakbo sa matataas na damuhan. Sinisigaw ang pangalan ni Papa at humihingi ng tulong.

---
"TULONG PAPA!" napamulat ako na nasa loob ako ng mga braso ng isang lalaki.

Niyakap ko din ito dahil sa takot baka bumalik ang mga lalaking iyon at saktan ako. Baka ano na namang gawin nila sa akin tapos patayin nila si Papa. Ayaw ko. Takot akong mag-isa.

"Papa ko..."

"Shhhh...I'm here"

Mas lalong humigpit ang yakap nito sa akin at humikbi na lang ako sa kanyang balikat. Sobrang sakit. Dinudurog ang pagkatao ko at hinihiling ko lang noong oras na iyon ay makatakas ako sa mundong iyon at kalimutan ang mga nangyari na para bang wala lang pero laging bumabalik ang mga panaginip na iyon. Ang bangungot ng nakaraan ko.

Ilang minuto kaming nanatiling ganon hanggang kumalma na ako. Isang masamang panaginip lang ang lahat. Tama. Hindi nangyari iyon dahil ang panaginip ay likhang isip lamang ng mga tao.

"It's okay Andronika. Panaginip lang iyon" tumango ako.

Kumalas ako sa yakap nito "Si Papa, Hedrick. Kailangan kong puntahan si Papa" para akong batang nagsusumbong at humihingi ng candy kay Hedrick "Kailangan ako ni Papa. Dugo..." tiningnan ko ang mga kamay ko ng malalim. Nakita ko pa kung paano bumalot ang dugo sa mga kamay ko sa panaginip na iyon.

Hinalikan ako ni Hedrick sa noo at hindi ko alam kung paano ako nito napakalma "Here. Inumin mo muna ito bago tayo pumunta sa Papa mo" may inabot itong tableta at baso "Makakabuti ito sayo"

Sinunod ko na lamang dahil may tiwala ako sa kanya. Mahal ko siya kaya magtitiwala ako. Mahal niya din ako kaya hindi niya ako hahayaang masaktan.

HEDRICK

Pinainom ko siya ng gamot na binigay ng kanyang Lolo sa akin. Gamot daw niya ito kapag may mga panaginip itong hindi kinakayanan ng kanyang isip. Naguguluhan pa nga ako sa sinabi niyang iyon pero para kay Andronika. Gagawin ko ang lahat para protektahan siya at alagaan.

Bumaba muli ang talukap ng mga mata ni Andronika. Epekto siguro 'yon ng gamot niya.

Tumayo ako at bago umalis ay hinalikan ko ito sa noo "Sana maging maayos ka na. Sweet dreams, my Love"

Lumabas ako ng kanyang kwarto at sinalubong ako ng Lolo ni Andronika. Si Mr.Maritheo.

"Pwede ba tayong mag-usap, hijo?"

Tumango ako rito at sinundan siya kung saan kami mag uusap. Mukha seryoso ang pag uusapan namin dahil kailangan pa naming lumayo para makapag-usap.

Nandito kami ngayon sa roof top ng ospital. Binabantayan ng mga bodyguard ang pintuan ng roof top kaya siguradong walang makakarinig sa aming pag-uusapan.

"Ano po ba iyon Mr.Castillano?"magalang kong tanong sa matanda "Ano po iyong gamot na pinainom natin kay Andronika at bakit pa po niya kailangan inomin 'yon?" Sunod-sunod kong tanong rito.

Tumingin ito sa malayo at parang may iniisip na malalim. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito.

"She needs it for her protection"

Bakit? Nanganganib ba ang buhay ni Andronika? May sakit ba siya?

"Why Sir? Ano po bang sakit ni Andronika?"

Humarap ito sa akin "Can you promise me hijo that you will protect my grand daughter?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi ng matanda pero tumango na lang ako bilang sagot "Are you willing to accept who she was?" hindi ko alam kung anong pinupunto niya pero ang tanging pinaghahawakan ko na lang ay ang pagmamahal ko sa kanya.

"I love you grand daughter Mr.Castillano and I will do everything for her. Kasama kong minahal ang buo niyang pagkatao at kahit—"

"Do you know her well?"

---

Naalimpungatan ako. Iminulat ko ang mga mata ko at ang unang hinanap ko ay si Andronika. Gising na ito at nakatanaw sa malayo.

Tumayo ako at nilapitan ito. Niyakap ko ito habang nakatalikod siya "H-Hedrick...a-anong ginagawa mo?"

Ngumiti na lang ako kahit hindi naman nito nakikita. Isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang leeg. Ang natural scent niya ang nanuot sa ilong ko. Hindi ito nakakairita pero nakaka in love. Corny but it's true. I love her scent.

"Mahal na mahal kita, Andronika" iyon na lamang ang nasabi ko kay Andronika dahil iyon ang matagal ng gustong sabihin ng puso ko sa kanya. Since the first time I first saw her face and the second time I meet her at the parking space at Rockhood. I love her since the start and it took too much time for me to realize that.

Kinalas nito ang yakap ko at humarap sa akin "Ano bang nangyayari sayo tsaka bakit ako naririto? Bakit nakasamento ang paa ko?"

Nagulat ako sa tinanong niya. Bakit parang hindi niya maalala ang mga nangyari?

"Just go with the flow, hijo. Mas makakabuti sa apo ko kung hindi mo ipapaalala sa kanya ang mga nakalimutan niya after she take that medicine" boses ng Lolo niya ang narinig ko sa utak ko.

Ito ba ang epekto ng gamot na iyon? Paano kung masama ito sa katawan ni Andronika pero hindi naman siguro ipaiinom ng Lolo niya sa kanya ang makakasama dito lalo na at kaisa-isang apo si Andronika.

Hinawakan ko ito sa pisngi at hinalikan sa noo. 'Di ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya dahil ayokong magsinungaling sa kanya "Just take care of yourself at magpagaling ka, Andronika" iyon na lang ang sinabi ko bago ko ikulong sa aking mga brasong muli si Black. Gusto ko iyong pakiramdam na malapit lang siya sa akin. Na katabi ko lang siya.

Because she is mine now. So back off!

Back Off, She's MineWhere stories live. Discover now