Paano kung isang araw ay bigla ka na lang ituro ng isang estranghero at sasabihin na ikaw ang kaniyang kasintahan at bigla na lang magsabi na ikaw rin ang gusto niyang mapangasawa? Ang masaklap pa ay sa harap pa mismo ng ama nito. Ano ang gagawin mo? Papayag ka ba o hindi? Sa parte ni Rachaelus nang ituro siya ng isang dalagita na si Ariyonna na siya ang kasintahan nito at siya ang gustong mapapangasawa ng dalaga ay tila hindi alam ni Rachaelus kung paano mag-react. Hindi niya kilala ang babae. Hindi nga niya alam na may kasintahan pala siya. Nakakatawa. Sino nga ba ang matinong tao na gagawin iyon? Mukhang si Ariyonna lamang siguro ang hindi matino ang pag-iisip. Pero nang malaman ni Rachaelus na ang ama pala ng dalaga ay ang boss ng kaniyang ama at malaki pala ang naitulong ng ama nito upang mabuhay ang kaniyang ina ay pumayag siya na mapangasawa ang dalaga kahit na labag man sa kaniyang kalooban. Would their relationship as a married couple will work in spite of the fact that Rachaelus is not in love with his wife?