PROLOGUE: Lahat ng tao ay binigyan ng isang pagkakataong mabuhay, ang buhay na ito ay maiksi para sa marami pero hindi sa isang tulad ni SILVER MATEO. Maraming tao ang naghahangad mabuhay ng matagal at marami rin ang takot mamatay. Pero taliwas yan sa kagustuhan ni Silver, halos araw- araw nyang hinihiling na matapos na ang kanyang buhay. Pagod na pagod na syang mabuhay sa mundong to, subalitt tulad natin kailangan nyang maghintay ng tamang oras, kailangan nyang mabuhay ng SIYAM na beses at hintayin ang kamatayang paulit-ulit syang tinatanggihan. Pero paano kung may makilala siyang lalaking makapagpabago ng kagustuhan niyang mamatay na? Paano kung mas gustuhin niyang mabuhay ng kasama siya? At sa halip na sumama kay kamatayan, ay mas piliin niya pang mabuhay ng walang hanggan? ANO KAYA ANG PIPILIIN NIYA SA PAGITAN NG PAG-IBIG AT KAMATAYAN? --------------------------- Salamat sa magbabasa kahit kakaiba ang storyang ito :)