<<>>_05_<<>>

13 0 0
                                    

Chapter #05

Ilang araw na rin ang lumipas mula nung sabihin sa akin ni Ivan na pamilyar ako sa kanya. Magmula nung araw na yun sinubukan ko siyang iwasan. Pero medyo nahihirapan talaga ako dahil magkasama kami sa trabaho at saka sobrang kulit niya talaga.Mabuti naman at hindi na niya binabanggit ang tungkol sa pagkapamilyar niya sa akin.

Minsan, pumupunta ako sa bistro ng saktong oras ng pagtug-tog ko at umuuwi din kaagad para hindi niya ako kausapin.

Hindi normal sa akin ang problemang ito dahil sikreto ko ang nakataya dito. Pano kung matandaan niya ako? Paano kung malaman niya na hindi ako tumatanda?

Hindi pwedeng may makaalam ng sikreto ko.Ngayon pa ba naman na huling buhay ko na to?

Tumingala ako sa langit at huminga ng malalim. Ititigil ko muna ang pag-iisip. Konti na lang naman at matatapos na rin ang buhay ko dito. Konting tiis na lang Silver.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin nawawala yung mga tao sa wishing well. Araw kasi ng linggo ngayon kaya siguro maraming tao. Ito rin ang araw kung saan wala akong pasok,kaya napagdesisyunan kong dito nalang magtambay.

Maya-maya may naramdaman akong paparating.

"Lagi kang nandito noh?" Napatingin naman ako sa kung sinuman yung nagsalita. Nagtaka ako dahil ibang Ivan ang nakita ko, nakaupo siya sa kabilang dulo ng upuan. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Kita mo rin sa itim na ilalim ng mata niya ang pagod. Hindi kagaya ng dati na laging nakangiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Balik kong tanong. "Sinusundan mo ba ko?"

Tumingin siya sa langit at saka nagpakawala ng malalim na hininga. " Ang iksi ng buhay no?" Wika niya na hindi pinansin yung tanong ko. "Hindi mo mamamalayan bukas makalawa wala ka na pala sa mundo o kaya naman yung mga kamag-anak mo." Matapos niyang magsalita, ramdam ko yung bigat sa boses niya. Para bang may dinadala siya.

Siguro tama siya. Na para sa isang normal na tao, maiksi lang ang buhay, at hindi mo mamamalayan bukas makalawa...tapos na. Pero hindi kasi ako normal eh, kaya siguro hindi ko kayang sabihin ang mga yan sa sarili ko.

" Nakatadhana sa tao ang mamatay." Sambit ko. Nakatadhana nga ba sa akin ang mamatay? Tumingin siya sa akin matapos kong magsalita.
" At hindi mo matatakasan ang nakatadhana, kahit na ano pang gawin mo." At ang nakatadhana sa akin ay mabuhay ng matagal, at yun ang tadhanang hindi ko matakasan.

Sa tingin ko, yan lang yung kaya kong sabihin. Dahil kahit papaano naman nakatadhana pa rin sa akin ang mamatay. Mamamatay pa rin naman ako diba? Dahil hindi ko na kakayanin kung hindi ako dadating sa puntong yon. Hindi ko na kakayanin.

"Tama ka hindi talaga matatakasan ang bagay nayan." Wika niya.
" Masakit lang isipin na may mga taong hindi kayang pahalagahan yung buhay nila, samantalang yung iba gagawin ang lahat madugtungan lang yung oras nila dito sa mundo."

Sa sandaling sinabi niya yun para bang tinamaan ako, pakiramdam ko sa akin niya sinasabi yon. Ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita ulit.

"Pasensiya ka na Silver ha? Sayo ako nagdadrama." Sabi niya at saka mapait na ngumiti. "Alam kong ayaw mo kong maging kaibigan, sorry talaga kung makulit ako." Ano bang dapat kong sabihin?

"M-may problema ka ba?" Subok kong tanong.

"Pasensiya ka na talaga." aniya.

"M-may maitutulong ba ko?" Muli kong tanong.

"Ayos lang, Silver." Tumingin siya sa akin at saka ngumiti, ng totoo.

"Ayos ka na talaga?" At ng maka-alis na ako.

9 Lives of a GirlWhere stories live. Discover now