<<>>_02_<<>>

56 0 0
                                    

Chapter #02

Pagmulat ko ng mata ko agad sumilay sa akin si haring araw na parang binabati ako ng magandang umaga.

Nakasanayan ko nang hindi isara ang maliit na bintana kaharap ng aking hinihigaan. Sinag kasi ng araw ang nagsisilbing alarm clock ko tuwing umaga.

Agad akong bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin, kinuha ko ang aking first-aid kit mula sa drawer. Dahil sa pinaghalong saya at pagod kagabi nakalimutan kong gamutin yung galos ko. Buti nalang at hindi masyado malaki ang sugat ko.

Pagkabukas ko ng kit agad may pumasok sa isip ko. Isang ala-alang hindi ko malilimutan.

Nagtrabaho ako bilang isang Nurse 10 years ago bago ako lumipat at maging si Silver ngayon at isa yun sa mga trabaho ko na hinding hindi ko malilimutan.

Isang batang lalaki ang aking inalagaan noon at meron syang cancer. Halos mamatay na sya pero hanga ako sa batang yun, nagagawa nya paring ngumiti na parang walang iniindang sakit. Napaka masayahin niyang bata sa kabila ng sitwasyon niya. Samantalang ako pinagkalooban ng maraming buhay, pinagdamot ko sa sarili ko ang maging masaya. Ni ngumiti hindi ko magawa.

Ng mga panahon na yon tinangka ko na namang patayin ang sarili ko kahit alam ko namang wala ring mangyayari dala ng sobrang lungkot.

Pero dahil sa batang yun napagtanto ko na yung pinagtatangkaan kong buhay, marami pala ang nangangailangan. Natutunan ko sa pamamagitan niya kung paano pahalagahan ang buhay at makuntento sa kung anong meron ka. Sa kanya rin ako kumuha ng inspirasyon para matuto ng gitara. Mahilig kasi siya sa Musika at marunong din siyang tumugtog. Kaya nung naka survive sya sa sakit na cancer, hindi nako nagtaka. Isa syang malakas at puno ng pananalig na bata kaya hindi imposible na malagpasan nya ang bagay na yon sa mura nyang edad.

Naging kaibigan ko ang batang iyon. Tuwing iche-check ko siya, lagi kaming nagkukwentuhan. At kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam ko tuwing kasama ko siya. Pakiramdam ko may tumanggap sa akin sa mundong ito. Pero nung umalis siya, bumalik na naman sa dati ang lahat.

At kung malapit na nga ang oras ko, sana kahit sandali makita ko ulit yung batang yun at yung mga ngiti niya.Gusto ko siyang makita ulit at pasalamatan. Siguradong malaki na siya ngayon.

Pagkatapos kong kumain ng agahan, napagdesisyunan ko nang pumunta sa park malapit dito.

Ilang minutong lakarin lang papunta doon.Hindi naman masyado malayo kaya nilalakad ko na lang.

Araw araw akong nandito, bukod kasi sa maganda ang view nawawala rin yung gutom ko pag andito ako. Malawak ang park nato pero hindi ganoon karami ang mga taong napapadpad dito.

Tumingin ako sa dulo ng park kung saan nakapwesto ang isang balon. Marami na namang tao ngayon na umaasang maibibigay ng balon ang kahilingan nila.

Sa totoo lang araw araw din akong humihiling sa wishing well na yan na sana dumating na yung oras ko....alam nyo na. Sinasamantala ko na walang tao. At madalas yan lang talaga ang ipinupunta ko dito. Sa isang taon ko kasi dito sa lugar nato, nakasanayan ko na ang humiling at maghulog ng barya sa balon na yan.

Ilang oras akong nakaupo sa ilalim ng puno naghihintay na mawala yung mga taong nakapaligid dun sa wishing well. At maya maya lang nagsialisan na rin naman sila. Kaya tumayo na ako at nagtungo sa balon. Oras na para ako naman  ang humiling.

Dumukot ako ng barya sa  bag ko at nagtungo sa balon. Humiling ako at hinagis ang barya.

Habang naglalakad ako palabas ng park, may kakaiba akong naramdaman. Parang may sumusunod at nagmamasid sa akin mula sa malayo.

9 Lives of a GirlWhere stories live. Discover now