<<>>_01_ <<>>

83 0 0
                                    

Chapter #01

Silver's POV

" Miss Ok ka lang ba? " Tanong sakin ng isang lalaking bumaba mula sa kanyang sasakyan. Mukha siyang disente at mayamang lalaki.

Sinagot ko siya ng nagtatakang tingin at saka ako tumayo mula sa kinahihigaan kong damuhan, ano bang nangyari sa akin? Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha ng bigla akong tumayo. Nakaramdam naman ako ng hapdi sa aking braso.

" Ayos lang . Ano bang nangyari sakin? " Tanong ko.

" Miss, naaksidente ka. Kitang kita ko yung pagkabangga sayo nung truck at halos tumilapon ka na. Tignan mo may galos ka pa nga. Sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede kitang dalhin sa hospital?" Dun ko lang naalala yung nangyari sa akin at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakangiti na. Na ngayon ko lang ulit nagawa sa mahabang panahon.

" Salamat na lang . Ayos lang talaga ako, sabihin nalang nating sinwerte ako at hindi ako namatay. "

Ngunit alam ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ako sinwerte, dahil kahit kailan hindi ko masasabing swerte ang magkaroon ng maraming buhay. Sa ikawalong pagkakataon, tinanggihan na naman ako ng kamatayan. Pero ang importante nabawasan yung buhay ko.

Nakaramdam ako ng saya sa kabila ng nangyaring aksidente, dahil huling buhay ko na to. Nakakatawa mang isipin pero mas ikinasasaya ko ang ganitong pangyayari sa aking buhay, yung lumalapit ako sa kamatayan.

Ako nga pala si Silver Mateo ngayon, kinakailangan kong palitan ang pangalan ko tuwing ikasampung taon para hindi nila ako makilala. At magpalipat-lipat ng lugar gayundin ng itsura.

Alam kong nalilito kayo kung sino ba talaga ako. Isa akong normal na dalaga noon bago ako isumpa, isumpa na magkaroon ng Siyam na buhay. Maniwala kayo't sa hindi at isipin nyo mang may lahing pusa ako pero ilang taon na akong nabubuhay sa mundong ito. Baka nga mas matanda pa ako sa lolo't lola nyo.

Akala ko noon magiging masaya ako sa pagkakaroon ng maraming buhay, pero mali yung akala ko. Nanatili akong bata sa mata ng mga tao, pero ang hindi nila alam, isang babaeng nabuhay sa kalungkutan ng mahabang panahon ang nakakulong sa likod ng bata kong itsura.Nakagapos ako sa landas na hindi ko matakasan.

Naging miserable ang buhay ko at nabalot ng matinding kalungkutan ang buong kong pagkatao ng dahil sa sumpa. Na kung iisipin ng maraming tao magiging masaya at maganda, sino nga ba naman kasi ang ayaw mabuhay ng matagal hindi ba?.

Maraming tao ang takot mamatay at naghahangad ng mahabang buhay. Pero sa sitwasyon ko,yung makita mo yung mga mahal mo sa buhay at mga malapit sayo na unti unting namamatay habang ikaw nananatiling bata at nananatiling buhay, sobrang lungkot.

Tatlongdaang taon ang matuling lumipas. Tatlong henerasyon and dumating at nagdaan. Saksi ako sa bawat pangyayari sa mundong ito. Sa loob ng tatlong siglo nabuhay ako, nilabanan ang matinding kalungkutan at hanggang ngayon patuloy pa rin sa pakikibaka sa buhay.

Paulit ulit kong pinatay ang sarili ko pero paulit ulit din akong tinanggihan ng kamatayan. Hindi nababawasan ang buhay ko sa tuwing pinagtatangkaan ko ito. Dahil kailangan kong mamatay tulad ng normal na tao.

Nabuhay akong mag-isa. Nabuhay ako sa sarili kong mundo, walang kamag-anak, walang kaibigan, wala sino man. Ayokong mapalapit sa mga tao dahil alam kong lalayuan ko rin naman sila.

At dahil nga sa pagiging kakaiba ko, binura ko na rin sa buhay ko ang salitang pagmamahal. Sabi nila pag-ibig daw ang susi sa lahat at ito rin daw ang kailangan ng mundo. Pero para sakin, hindi yan totoo. Dahil sa una palang, ang pag-ibig na yan ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko, kung bakit ako isinumpa at kung bakit ako ngayon mag-isa.

9 Lives of a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon