She finds out that her parents planned her 'funeral'-arranged marriage para sa lalaking mortal enemy niya na ipinanganak upang pakuluin ang dugo niya minu-minuto. Kay Kier Williams. Gagawin ni Fatima ang lahat, matakasan lamang ang kasuklam-suklam na tadhanang nilikha ng kanyang ama. Ngunit nagising na lamang siyang kasama si Kier sa isang lugar na sila lang dalawa ang magkasama. At upang makaalis sila sa lugar na 'yon, nagpanggap silang nagmamahalan at pumayag na magpakasal. Lingid sa kaalaman ng lahat, peke ang kanilang kasal. Nagpanggap silang happily married. Habang tumatagal, nahuhulog na ang damdamin niya kay Kier. Totoong umiibig na siya rito. Kaya naman hiniling niyang 'wag dumating ang araw na matuloy ang plano nilang divorce kahit hindi sila legal na kasal. Ngunit hindi niya mababago ang nakatakdang mangyari... Alam niya kung bakit nagmamadaling makalaya si Kier sa kanilang kasunduan. At upang huwag masaktan, pinili niyang lumayo... All Rights Reserved 2022 Copyright©MissContessa 2022 Started: June/08/2022 Finished: Aug/19/2022