Kabanata 52

208 6 0
                                    

"I’ve been three years away from you pero hindi kita makalimutan.” Tukoy nito sa paninirahan sa Amerika noon. “You’re deeply etched here in my heart. Kaya naman no’ng in-open up uli ng mga magulang ko ang kagustuhan nilang makasal sa ‘yo, pumayag agad ako. I said to myself before heading back here, sisiguraduhin ko na this time, you’ll fall for me no matter what. And thank God! I finally succeeded! Hindi ka na nakawala sa charm ko!"

     "Charm my foot!" kunwa’y pagtataray niya. "Narinig mo na bang sinabi ko na mahal kita?"

     Natigilan ito. Tila nag-isip. Syempre, to the rescue ang puso niya.

     "I hate you!" dagdag niya at mabilis na niyakap ang asawa.

     "You hate me?"

     "Yes."

     "Bakit naman ganoon?" tanong nito sa nalilitong tono ng boses.

     "Kasi ang tagal ko nang naghihintay na sabihin mo sa ‘kin na mahal ako. Tapos ngayon nag-confess ka ng pagmamahal mo para sa ‘kin nang nakahubad!" kunwari reklamo niya.

     "Mahalin mo ako, Fatima. Hindi ako tumigil na mahalin ka. Sabihin mong mahal mo ako."

     "Ginayuma mo yata ako, e." Kinulong niya sa mga kamay ang mukha nito. Walang pagsidlan ang ligayang nadarama niya. "I love you, Mutant. I love you, Kier. I love you, Mister."

     Hinawakan ni Kier ang mga kamay niya at dinala ang mga iyon sa mga labi at hinalikan nito. "Matagal na akong nasa ilalim ng iyong majika ng pag-ibig. At kahit kailan sa buong buhay ko ay hindi ko pinagsisihan ang pagiging nasa ilalim ng iyong majika."

     "Atsus! Bolero!" Tumatawang inismiran niya ang asawa. "I love you. I think you’d better kiss me."

     "Kanina ko pa gustong gawin ‘yan, wifey."

     "Puwes bilisan mo, Mister Williams!" nakangising utos niya.

     "Puwedeng mag-request?"

     "Ano ‘yon?" Mahigpit siya nitong niyakap at may ibinulong. Kinurot niya ito sa tagiliran. "Pilyo!"

     Sa isang iglap, pinangko siya nito at masuyong inilatag sa kama.

     "Binabawi ko na iyong sinabi ko kanina. I’ll do it even in broad daylight."

     "Ang tagal!" Isa-isa niya nang hinubad ang kasuotan.

     Mabilis itong bumaba ng kama upang isara ang mga bintana. Nang humarap ito sa kanya ay napahagikgik siya.

     "Nariyan na ako, wifey!" excited nitong sabi sabay hubad ng boxer short.

     "I’m waiting…" mapanuksong sabi niya at kinindatan ito.

     Nang tumabi ito sa kanya sa kama ay sandali nitong pinagmasdan ang kanyang mukha. And then, siniil siya ni Kier ng mainit na halik sa labi. Puno ng pangako ang mga halik nito. Pangakong mamahalin siya nito habambuhay.

     Tinugon ni Fatima ang halik na iyon at yumakap pa sa leeg ng kanyang asawa.

     They kissed passionately. Sabik na sabik at mahal ang isa’t isa. Kier got on top of her and kept kissing her. The rest is history…


WAKAS

      Itapon ang iyong malabata na mga pantasya ng perpektong pag-ibig at walang hanggang pag-iibigan, at mapagtanto na ang isang tapat, matino, praktikal, ugnayang katumbas ay higit na kasiya-siya.

TO GOD BE ALL THE GLORY

–2022–

My GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon