Kabanata 38

69 2 0
                                    

KINAGABIHAN ay naging panauhin nila ang pamilya Williams. Tuwang-tuwa ang mga magulang nila nang malaman ang naging pasya nila ni Kier.

     Nagsalin ng alak sa kopita si Carlo at Inabot ito kay Rodrigo.

     Kasalukuyang naroon sila sa sala. Napatingin siya kay Kier. Would she be okay after tonight? Mababawi pa kaya niya ang pusong ipahihiram kay Kier sa pagpapanggap nila?

     Umiibig na siya kay Kier. Pumayag siya sa kagustuhan nitong magpanggap sa harap ng mga magulang na nagmamahalan sila. Hindi siya napipilitan, kundi ang puso niya ang kusang pumayag.

     Kier always kisses her, but she has never heard the word "I love you" from him.

     Nagpaalam sila na pupunta ng hardin. Malugod silang pinayagan ng mga magulang. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ni Fatima nang muli siyang iharap ni Kier at siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata niya nang mas lumalim pa ang halik nito. Nalunod ang pag-aalinlangan niya sa kakaibang sensasyong naidudulot ng halik nito sa kamalayan niya.

     "Pretend that you missed me. Pretend that you want to kiss me so much. Pretend that you truly love me. Hug me. They're secretly looking at us through the window," masuyong bulong ng binata sa labi niya.

     "W-what?" she asked, chasing her breath when their lips parted.

     "Tinitignan nila tayo mula sa bintana. Nagdududa pa rin sila. Let's convince them that we're very in love with each other. Now hug me, feel me and kiss me, wifey." Hindi iyon isang utos, tila pagsusumamo.

     Biglang napayakap si Fatima kay Kier. She couldn't help but be nervous. She was scared to know what the consequences might be when they discovered what they were planning.

     Their marriage will be fake.

     Kung dati iniisip lang niya ang sarili, ngayon ay nag-aalala na rin siya para sa binata.

     Kier thumb brushes her lower lip, and she hears his breath hitch. He's staring into her eyes, and she holds his anxious, burning gaze for a moment. But eventually, her attention is drawn to his beautiful lips... Ang kamay nitong humahaplos sa kanyang buhok.

     Tanging tanglaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa kanilang kinaroroonan. Muling inangkin ni Kier ang mga labi niya. Deeply, gently, walang pagmamadali.

     And she likes to think that there is also love...

     They kissed under the moonlight...

     "You shouldn't have kissed me like that," she said after pushing him. Natagpuan niya ang kanyang sarili na humihingal, nahuli sa pagitan ng isang hanay ng mga damdamin.

     Tuluyang dumilat ang namumungay na mga mata ni Kier. "Paano mo gustong halikan?" An alarming curiosity washed over his face.

     She shook, moving away from him. "Sandali nga!"

     "Why?" Umungol ito, batid niyang disgusto sa naputol nilang halik.

     "Narito kayo sa bahay namin 'di ba?"

     "Yes."

     "Sabi mo nasa bintana ang mga ama natin?"

     "Yes."

     Hinampas niya ito sa balikat. "Pinagloloko mo ako, e. Nasa sala naman sila."

     "May nakita ako sa second floor ng bahay ninyo. Nakatayo sa bintana. Kung hindi man iyon ang mga tatay natin, marahil ang ating mga ina." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papunta sa swing chair.

     Umupo siya at tumabi ang binata sa kanya sa swing. Tahimik na ininda nila ang banayad na pag-uga ng upuan. Tinanaw nila ang maliwanag na buwan. Hindi nila pinag-usapan ang halik na pinagsaluhan, minuto pa lang ang nakalipas. Alam niyang parte lang 'yon ng palabas ni Kier.

THE wedding was quick and simple. Only their family members and her friend were present. Hindi nakauwi ng Pilipinas si Tristan. Nagulat ang kuya niya nang malaman ikakasal na sila ni Kier, pero walang pagtutol dito. Mas gugustuhin daw ni Tristan na si Kier ang maging asawa niya kaysa mapunta sa kung sino-sinong lalaki.

     Ayon sa kuya niya, no'n pa man ay may pakiramdam ito na sila ang nakatadhana ni Kier. Na mauuwi sa pag-iibigan ang pagbabangayan nilang dalawa.

     Hate to lovers, in short.

     If everyone only knew-their wedding was just a sham.

     Ang dream wedding ni Fatima ay sa simbahan. Pero hindi sa simbahan ginanap ang kasal nila, dahil na rin sa hiling ni Kier.

     Bakit ba siya nasasaktan?

     Sa umpisa palang naman ay siya ang ayaw na pakasalan ito?

     They agreed to have a civil marriage, and the judge was the father of his friend. Lingid sa kaalaman ng kanilang magulang, peke ang kasal nila. And in the next few days, they will take care of their annulment, divorce, or whatever it is.

     "Congratulations, hija, you look beautiful as always." Si Tita Charo, ang ina ni Kier.

     "Thank you, tita. Kayo rin po." Humalik siya sa pisngi nito.

     "Kier, you must take care of your wife. You can't be any luckier because you have Fatima. And tell her to start calling me 'Mom'."

     Humalik si Kier sa ina. Masuyo nitong inabot ang kamay niya at masuyong hinalikan. "Of course, I'll take care of my wife, Mom. She is my life. I couldn't imagine waking up without her by my side. Ikamamatay ko kapag nawala siya. Dahil hindi ko kakayanin."

     Natigilang napatitig na lamang siya sa kanyang asawa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman ngayong asawa niya na si Kier.

     Kay sarap pakinggan ng mga sinabi nito. Kahit fake lang ang kasal nila. Oh! He was so sweet.

     Nakakadala ang galing nito sa pag-arte. Hindi niya mapigilan ang sariling kiligin sa tuwing pinupuri siya nito kung gaano siya kaganda. O kapag sinasabi nito kung gaano siya nito kamahal. Hindi niya tuloy maiwasan mangarap na sana ang lahat ng sinasabi nito ay totoo.

     "CARLO, I thought I'm the sweetest guy on earth. But my son is way more romantic," sabi ni Rodrigo.

     Tinapik ni Carlo ang balikat nito. "I agree. Your son deserves my daughter. I am so proud of my daughter. She looks fantastic in that white dress."

     Mayamaya, lumapit sa mga ito ang mga asawa.

     "Parang kailan lang, double wedding pa tayo!" natatawang turan ni Rodrigo. Nakangiting sinalubong nito ang asawang si Charo.

     "Oo nga, e. Dahil kung hindi tayo pumayag sa kagustuhan ng mga misis natin ay walang kasal na mangyayari," sang-ayon ni Carlo. Niyakap nito ang asawa, ang ina ni Fatima. "At hanggang ngayon, sila pa rin ang nasusunod."

     "Kami ba ang pinag-uusapan ninyong dalawa?" tanong ni Charo sa asawa.

     "No, sweetheart. We're talking about the newlyweds. They're a perfect couple." Hinalikan ni Rodrigo sa ulo ang asawa.

My GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon