Sa mundo kung saan ang mga pinapantasiya ay nagkakatotoo. Mga kristal at kapangyarihang dala nito, kasama ang mga nilalang na makikita lamang sa libro. Sa isang planeta kung saan may tatlong mundo at napapagitnaan ang ginagalawan ng mga tao. Mga anghel na itinatapon sa lupa at mga nagkasalang hindi pinapahirapan sa ibaba. Paano kung ang isang itinapon ay bigyan ng misyon upang mapatunayan na nararapat siyang maging anghel? Paano kung ito ay ang mapaibig ang babaeng hindi mapaibig ng kung sino? Mababaibig niya kaya ito? Magagawa niya kaya ang misyong naatas sa kaniya? O Mabibigo siya dahil sa pagkahulog niya sa dalaga na siya palang nawawalang anak ng mga nakakataas sa kanilang lahat?
7 parts