Limang taon na ang nakalilipas simula nang mamatay ang dalawang kaibigan at ang kasintahan ni Andrew sa kamay ng matalik niyang kaibigang si Allen. Halos maisip na niyang lisanin ang mundo dahil sa trahedya, pero pinilit niya pa ring bumangon at mamuhay ng normal. Doon niya nakilala si Karl-isang arogante ngunit napakagaling na manlalaro ng volleyball. Para kay Karl, si Andrew ang taong nagpabago sa kanya at ang taong nangako siyang hindi iiwan kahit gaano pa kalupit ang nakaraan nito. No'ng akala nila ay magiging masaya na sila ay isang tao ang bumalik galing sa madilim na nakaraan. Mahahanap pa ba ni Andrew ang kaligayahan kasama si Karl o sa pagbabalik ng nakaraan ay mapagtatanto ni Andrew na kasinungalingan lang ang lahat nang alam niya?