Dream

11 2 0
                                    

Panay ang pagsulyap ni Karl sa nakasabit na orasan sa dingding simula nang bumalik siya sa tinutuluyang condo unit ni Andrew. Napakagat siya sa kanyang labi habang hindi mapakali ang kanyang mga paa na kanina pa palakad-lakad sa sala. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya kinu-contact ni Andrew at maski ang huling mensahe ni Karl dito kaninang umaga ay hindi pa rin nababasa nito. Sinubukan niya na rin itong tawagan kanina pero tila nakapatay ang cellphone nito. Wala man lang siyang ideya kung nasaan si Andrew at ayun ang mas lalong nagpapabahala sa kanya.

Napaupo siya sa sopa at saka na muling tinignan ang kanyang hawak na cellphone. Ida-dayal na sana niya ang numero ni Andrew sa pang-apat na pung pagkakataon nang marinig niya ang pugak na tunog mula sa pintuan. Agad na napatayo si Karl at nagmamadaling nagtungo sa pintuan.

"Andrew!" Magkahalong ginhawa at pagkabahala ang naramdaman ni Karl nang makita si Andrew na papasok mula sa pintuan.

Napatingala si Andrew na abalang nagsusuot ng tsinelas mula sa suot niyang itim na sapatos. "Karl," ngiti nito. Agad niyang ipinatong ang pinaghubaran niyang sapatos sa patungan at saka na naglakad patungo kay Karl.

Bago pa man ma-kwestiyon ni Karl kung saan ito nanggaling ay agad siyang niyakap ni Andrew. "I know. I'm sorry," saad ni Andrew dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya ang magiging reaksyon ng nobyo sa ginawa niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Karl at saka na hinagkan nang mahigpit si Andrew. "Don't do that ever again. You have no idea how worried I was," bulong nito.

Inilayo nang bahagya ni Andrew ang sarili mula kay Karl at saka na tumingala upang pagmasdan ang nobyo. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at saka na idinampi ang kanyang palad sa kaliwang pisngi ni Karl.

"I love you," sambit ni Andrew.

"I love you, too, Andrew," sagot ni Karl.

Ngumiti nang bahagya si Andrew at saka na inabot ang batok ni Karl upang hilahin papalapit sa kanya ang nobyo. Tumalima naman si Karl at humilig kay Andrew na nakahagkan na ang dalawang kamay sa kanyang batok. Agad na inabot ni Andrew ang nobyo at dinampi ang kanyang mga labi sa mga labi nito.

Marubdob ang paghalik ni Andrew kay Karl. Sapat na upang halos makalimutan ni Karl ang nangyari. Pero alam niya na isa lamang itong taktika ni Andrew dahil alam ng nobyo na mahina siya pagdating dito. Nais man niyang ipagpatuloy ang ginagawa nila ay pinilit niyang inilayo ang sarili mula kay Andrew. Marahan niyang hinawakan ang balikat ng nobyo at saka na inilayo ang sarili mula rito.

"Andrew," ubos-hiningang sambit ni Karl nang makalayo sa mga labi ni Andrew. "I don't accept this as an apology. I need an explanation," dagdag niya at saka na tinignan si Andrew.

Napangiti naman nang bahagya si Andrew. "You won't let this go, will you?"

"No. You better explain. I had enough of little things I know about you," maigting na ani ni Karl.

Napatitig nang ilang Segundo si Andrew sa mga mata ni Karl. Ayaw rin naman niyang maglihim dito at alam niya na nahahalata na rin ni Karl na naglilihim siya sa maraming bagay. Pero isa ito sa mga dahilan kung bakit siya nag-alangan noon na makipagrelasyon kay Karl. Natatakot siya. Natatakot siya sa maaaring mangyari kapag mas nakilala siya nito. It never did him good.

Humiwalay si Andrew kay Karl. "I went out to buy this," aniya at saka na bumalik sa may pintuan. Nakasandal sa may pinto ang isang manipis at malaking kwadrong bagay na nakasilid sa karton. Agad itong binitbit ni Andrew at saka na dinala kay Karl.

Napakunot naman ang noo ni Karl habang inaabot sa kanya ni Andrew ang bagay. Kinuha niya ito mula kay Andrew at tinitigan. "What's this?"

"Open it," ngiti ni Andrew.

Naglakad si Karl patungo sa sala. Sinundan din siya ni Andrew. Nang makarating sila sa sala ay sabay silang napaupo sa sopa. Agad na binuksan ni Karl ang karton at hinila mula roon ang isang malaking painting. Hinawakan ni Andrew ang kalahati nito at iniusod sa kanya upang ang bagay ay magkapatong sa kandungan nilang dalawa.

Pinagmasdan ni Karl ang larawan. Makikita mula rito ang baybayin ng karagatan. Ang kalangitan ay nababalot ng pinaghalong kulay pula at kahel mula sa palubog na araw. Ang mga kulay na ito ay sumasalamin sa dagat. Ginagawang mapusyaw na kahel ang asul na tubig.

"Bahay natin 'to," saad ni Andrew at saka na itinuro ang kulay puting bahay sa larawan na hindi kalayuan mula sa baybay. Napalilibutan ito ng mga puno. "At ito naman—" Itinuro naman niya ang dalawang lalake na nakatalikod habang nakaupo sa mahabang bangko. Nakaharap ang dalawa sa karagatan. "tayo iyan," dagdag niya.

Napalingon si Karl kay Andrew na nakatingin na rin sa kanya.

"I hope we could live like this. Tayo lang dalawa. Malayo sa gulo. Magkasamang namumuhay sa tahimik at hindi mapanakit na mundo," saad ni Andrew.

Natahimik lamang si Karl. Napagtanto niya ang nararamdaman ni Andrew. Kahit na isa si Andrew sa mga tao na nararapat na makilala ng marami dahil sa masiyahin at pala-kaibigan nitong ugali ay mas nanaisin nitong lumayo sa mga tao dahil sa masakit niyang karanasan. Alam niya ang ikinababahala nito.

Napatinging muli si Andrew sa larawan at saka na hinawakan ang magkabilang dulo nito. "Well. It's just a dream. We know nothing of the future. Maraming puwedeng mangyari. Kaya binili ko ito. At least kung hindi man mangyari iyon, I can still picture it in my mind," saad niya at saka na akmang hihilahin ang larawan mula kay Karl pero agad siyang napatigil dahil sa paghawak ni Karl sa kamay niya.

"Of course, that will happen," ani ni Karl na nagpalingon muli kay Andrew sa kanya. "Your dream. It will happen. We will live just like that. As long as we're together, nothing is impossible."

Nangilid ang mga luha ni Andrew sa narinig. Masyadong mahaba at mabigat ang araw na ito para sa kanya. Pero sapat na si Karl para muling pagaanin ang lahat ng ito. Hindi man niya masabi ang lahat kay Karl, alam niyang balang araw ay masasabi niya rin ito ng walang takot.

Kinuha niya ang larawan mula sa kandungan nila ni Karl at saka na marahan itong ipinatong sa lamesa sa tabi ng sopa. Matapos ay bumalik siya kay Karl habang itinataas niya ang kanyang mga paa sa sopa. Lumapit siyang nakaluhod kay Karl habang nakatingin na ito sa kanya. Nang makalapit na siya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Karl. Napatingala naman si Karl sa nobyo.

"Can we continue where we left of?" pag-uudyok ni Andrew.

"We will, even if you did not ask," sagot ni Karl at saka na itinulak si Andrew pahiga sa sofa.

*****

Napatitig si Karl sa natutulog na mukha ni Andrew. Ang kurtina ng bintana ay nakahiwalay sa magkabilang gilid dahilan upang masilayan niya ang mukha nito mula sa nagliliwanag na buwan. Kasing kalmado ng gabi ang mukha nito at ang mahinang paghilik nito ay kaaya-aya rin pakinggan sa tainga ni Karl. He's gorgeous in every way. Ayun ang muling sumagi sa isip niya habang hinahaplos ang magulong buhok ni Andrew. Isa itong kahinaan na ipinagmamalaki niya.

Naisip niyang gisingin ito para kumain dahil hindi na nila nagawang gawin ito gawa nang mapusok nilang aktibidad kanina. Ngunit nais niya pang masilayan nang ganito si Andrew. Sa pagtitig lamang dito ay nabubusog na siya. Napapaisip pa rin siya kung saan talaga nagtungo ito. Alam niyang hindi lang ito basta bumili ng painting. Alam niya na may iba pa talaga itong pinuntahan dahil sa suot nitong pormal na damit. Pero hindi na niya ito magawang itanong pa dahil nararamdaman niya na hindi pa handa si Andrew na sabihin ito sa kanya. It is frustrating, but he doesn't want to force it on him either. He was the one who pushed himself on Andrew, after all. Kailangan niyang matutong magpasensiya at maghintay.

Habang pinagmamasdan at hinahangaan niya kung gaano kabigha-bighani si Andrew ay nakuha ang atensiyon niya sa pagtunog ng kanyang cellphone. Inabot niya ito mula sa lamesa sa gilid niya at saka na napatingin sa mensaheng dumating mula sa hindi kilalang numero.

"Stay away from him or you'll regret it forever."

Napabuntong-hininga siya at saka na napailing. Ito ang isa sa mga kakatwang wrong message or scam na natanggap niya sa buong buhay niya. Hindi na lamang niya ito pinansin at saka na muling ibinalik ito sa lamesa. Matapos ay hinila niya si Andrew papalapit sa kanya at saka na hinagkan ito nang mahigpit.

I'll Protect You (Tagalog) - (BxB) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon