Truth

4 1 0
                                    

Tahimik na naglalakad si Andrew sa isang madilim na eskinita. Nakasuot siya ng puting kamiseta na binabalutan ng itim na hoodie jacket, habang nakasilid ang mga kamay niya sa loob ng bulsa nito. Mayroong mangilan-ngilang pobre sa magkabilaang gilid ng daan na nakayukyok at pinagmamasdan ang paglalakad niya, ngunit hindi niya nilingon o pinansin ang mga ito. Wala siyang pakialam sa mga madadaanan niya. Nakatuon lamang siya sa nilalakaran niya.

Lumagpas siya sa ilang mga lumang gusali hanggang sa makarating siya sa harapan ng isang saradong bodega. Sa gilid nito ay may hagdanan paakyat na sa sobrang dilim sa itaas ay halos hindi na maaninag ang punto nito. Pinagmasdan muna nang sandali ni Andrew ang hagdan bago siya nagpasyang humakbang paakyat.

Nang makarating na siya sa taas ay sumalubong sa kanya ang nanlilimahid ng pintuan na yari sa kahoy. Sa hitsura pa lamang nito ay masasabi nang matagal nang pinabayaan ang buong lugar. Hinawakan ni Andrew ang busol ng pintuan. Sa sobrang luma nito ay maririnig ang lumalangitngit na tunog nito, habang marahan itong binubuksan ni Andrew. Nang tuluyan na niyang mabuksan ito ay tumambal sa kanya ang malawak ngunit madilim na loob. May nag-iisa lamang na ilaw sa gitna na nagbibigay liwanag sa lalakeng nakaupo sa isang upuan. Limang taon na ang nakalilipas simula nang huli niyang makita ang lalake, pero wala pa ring pinagbago sa hitsura nito. Ang buhok nito sa pinakaibabaw ay kulay olandes na nakapilantik pakanan, habang naka-undercut naman ang buhok nitong kulay itim sa tagilirang bahagi—senyales na ito ang orihinal na kulay ng buhok nito.

Isinara ni Andrew ang pintuan at saka na naglakad patungo sa lalake. "Allen."

Hindi sumagot si Allen, bagkus ay pinagmasdan niya nang maigi ang kaibigan. Tinitigan niya nang mabuti ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Nasaan si Karl? Anong ginawa mo sa kanya?" pangungustuweyon pa ni Andrew.

"Ako dapat ang magtanong niyan," tugon ni Allen. "Anong ginawa mo? Anong ginawa mo kay Sam Andres?"

"Ah... Him?" Napailap ang mga mata ni Andrew habang inaalala ang araw na namatay si Sam, matapos ay napangisi siya. "That's what he gets from being too nosy. Sinabi ko lang na magkita kami dahil may sasabihin ako, naniwala naman siya agad. I made him drink something from the convenience store. I just forgot what brand it was, but I made sure it would be too sweet for him to recognize that it had a lot of" Tinignan niyang muli si Allen. "—Olanzapine. Buti na lang marami ako no'n."

Napayukom nang mahigpit ang mga kamao ni Allen. Hindi niya maatim mapakinggan mula sa sariling bibig ng kaibigan ang kaharasang ginawa nito sa isang inosenteng tao. Hindi niya matanggap na dinudumihan nito ang sariling mga kamay ng pinaka-importanteng tao sa buhay niya.

"Tumigil ka na." Tumayo si Allen. "Tumigil ka na at pakawalan mo na si Andrew," riin niya.

Napahalakhak si Andrew nang malakas. Sa sobrang lakas nang pagtawa niya ay umaalingawngaw ang boses niya sa bawat sulok ng abandonadong bodega. Napayuko siya at saka na napahawak sa noo niya habang patuloy pa rin sa paghahalhal. Ilang sandali lang ay tumigil sa pagtawa si Andrew at agad na napalitan nang impis ang mga labi niya.

"It looks like there's a misunderstanding," seryosong saad ni Andrew at saka na napatingin kay Allen. "It was Andrew who created me. He made me so he could hide his fear." Naglakad siya nang marahan patungo kay Allen. Napaatras naman si Allen. Kahit ilang taon na ang nakalilipas ay natatakot pa rin siya. Natatakot pa rin siya sa isa pang katauhan ni Andrew.

"His fear of losing someone preciousI made sure he wouldn't experience that again. That's why I got rid of them. I rid Lev, Ralph, and now Sam so he won't lose someone he holds dearly. It is me who he needs. It is me who will protect him. Pero ikaw, Allen, anong ginawa mo? You killed Emman," dagdag niya at saka na huminto sa harapan ni Allen na napatigil sa pag-atras dahil sa lamesang nasa likuran niya. "You killed the person I love."

I'll Protect You (Tagalog) - (BxB) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon