Death Anniversary

11 2 0
                                    

Maririnig sa paligid ang sigaw ng lalakeng may kulay olandes at mala-tinik na estilo ng buhok habang hinihiyaw nito ang pangalan ni Andrew sa hindi kalayuan. "Andrew!"

Tumakbo ang lalake habang malawak na nakaunat ang mga braso nito patungo sa direksyon ni Andrew na kasama sina Karl, Nelson, at Troy.

"Terry" Agad namang naputol ang pag-bati ni Andrew sa kaibigan nang humarang si Karl sa lalake.

Nakaunat paharap ang mahabang kanang braso ni Karl habang nakabuka ang kanyang mga palad. Agad niyang nahawakan ang dibdib ni Terry at napigilan ito sa tuluyang pagyakap kay Andrew.

"What the he" inis na saad ni Terry pero agad siyang napatigil nang makita niya ang mukha ni Karl at ang mga mata nitong malamig at nanlilisik.

Si Terry ay isa sa mga teammates ni Andrew noong high school. May pagka-isip bata ito kung minsan at masyadong maligalig.

"Andrew!" Isa pang lalake na may kulay tsokolateng buhok ang lumapit sa kanila. At kasunod niya ay tatlo pang lalake ang sumulpot. Lahat sila ay masayang nakangiti kay Andrew na matagal na nilang hindi nakikita.

"Karl, siya nga pala si Will. Siya 'yong vice-captain namin sa dati naming volleyball team noong highschool pa kami," pakilala ni Andrew sa lalakeng may kulay tsokolateng buhok.

Tumango naman si Karl. Nakikilala niya si Will dahil isa ito sa mga magagaling na setters sa lahat ng unibersidad. Tinatawag nga itong "King of setters" at palaging natatampok sa mga magazines. Ngunit sa kabila ng pagiging vice-captain nito kila Andrew noon ay may pagka-isip bata rin ito kung minsan. Magkagayon ay magaling naman ito at seryoso sa larangan ng volleyball.

Inilahad ni Will ang kanyang palad at saka na iniabot kay Karl. "Nice to meet you, Karl."

Tumango naman si Karl at saka na inabot ang palad nito. "Nice to meet you, Will."

Sunod namang pinakilala ni Andrew sina Terry, Gary, Brad, at Yakov na nakipagkamay rin kay Karl.

Si Gary ang pinakamatangkad sa kanila at mas matangkad kaysa kay Karl. Mayroon siyang malaki at maskuladong pangangatawan. Kulay olandes ang buhok niya maliban sa bangs niya na kulay itim na naka estilo paitaas.

Si Brad naman na abala na sa pakikipag-asaran kina Troy at Nelson ay mas matangkad din kay Karl. Mayroon siyang mabilog at kulay pilak na mga mata habang ang buhok niya ay kulay abo na naka estilo nang patusok-tusok. Mayroon siyang solido at maskuladong pangangatawan ngunit ang personalidad niya ay parang sa bata. Palabiro siya, palakaibigan, at may pagkamayabang.

Si Yakov naman na sinisiyasat lamang ang magulong paligid dahil sa pinagsama-samang mga kaibigan ay mas matangkad lamang kay Andrew nang bahagya. Siya ang pangatlo sa pinakamaliit sa kanilang team noong sila ay high school pa ngunit hindi kagaya nina Andrew at Nelson ay hindi niya nais makarinig na maliit siya. Maiinitin ang ulo niya at deretso kung magsalita.

Sina Nelson at Troy naman na ka-teammates din ni Andrew noong highschool pa sila ay ang gagged duo ng grupo. Hindi lamang sa kasalukuyang team nila Andrew kung hindi pati na rin sa dati nilang team.

Si Nelson ang pinakamaliit sa grupo ngunit kahit maliit siya ay mayroon siyang katamtamang maskuladong katawan. Palaging naka-estilo ang itim niyang buhok paitaas upang hindi mahalata ang kanyang tunay na taas. Maligalig rin siya, mayayamutin, at napaka-ingay.

Si Troy naman sa bandang huli, ay mayroong naka-ahit na ulo at mga mala kulay gintong kayumangging mata. Dahil sa hitsura niya ay palagi siyang napagkakamalang delikwente. Tama lamang ang taas niya na mas maliit kay Karl. Mayroon siyang payat ngunit malakas na pangangatawan. Siya ang partner-in-crime at matalik na kaibigan ni Nelson.

I'll Protect You (Tagalog) - (BxB) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon