There's Always Darkness After Sun Shines

23 2 0
                                    


"Ginawa ko 'yon para protektahan ka, Andrew..." paliwanag ng lalake habang umaagos ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"No! It was not to protect me! You are obsessed! Ibalik mo sa akin si Emman!"



"Emman..." hikbi ni Andrew. Napupuno na ng luha at pawis ang kanyang mukha habang tinatawag ang pangalan sa kanyang pagtulog.

Agad namang nagising si Karl dahil sa panaghoy ng kanyang kasintahan sa kanyang tabi. Mabilis siyang napaupo at saka marahang niyapos ang braso ni Andrew.

"Andrew?" tawag ni Karl. Kahit hindi na ito bago sa kanya ay nadudurog pa rin ang kanyang puso sa tuwing makikitang ganito ang nobyo.

Hindi pa rin nagising si Andrew kaya naman patuloy pa rin siya sa paggising dito. Patuloy pa rin ang pagtawag ni Andrew sa ngalan ng lalake na sa kwento lamang naririnig ni Karl.

"E-Emman..." muling pagtangis ni Andrew. Tila nahihirapan na itong huminga. Kaya naman hindi na nag-atubili si Karl na yugyugin ang nobyo nang mas malakas kumpara kanina.

"Andrew, gising..."

"Emman!" sigaw ni Andrew. Agad siyang napamulat at saka na napaupo. Napahawak siya nang mahigpit sa kanyang dibdib at pilit na hinahabol ang kanyang paghinga.

Napahawak naman si Karl sa likuran ng kanyang nobyo at marahan itong hinaplos. "It's okay now. Everything is okay now," mahinahong pagtitiyak ni Karl.

Napabaling ang paningin ni Andrew kay Karl at saka na hinawakan ang kamay ng nobyo. "I'm sorry... Did I wake you up?"

Umiling naman si Karl at saka na ngumiti. "It's okay. Are you feeling better now?" tanong nito habang malumanay pa rin niyang hinahaplos sa likuran si Andrew.

Tumango naman si Andrew at saka na lumapit kay Karl. Niyakap niya ito nang mahigpit. "What would I do without you?"

Hinalikan ni Karl sa ulo si Andrew at saka niyakap din ito. "Don't think about it. That will never happen."

Mag iisang taon na nang maging magkasintahan sina Karl at Andrew. Una silang nagkakilala nang sumali ang dalawa sa volleyball team ng Silver Valley University. Noong una ay hindi talaga sila magkasundo dahil sa magkaiba nilang personalidad. Maraming nagkakagusto kay Karl dahil sa itsura nito. Gwapo siya at matangkad. Pero kahit ganoon ay napakalamig at arogante naman nang pakikitungo niya sa lahat. Hindi siya marunong makinig sa iba. Bukod pa roon ay ayaw niya ng mga taong mahihina at walang potensiyal.

Si Andrew naman ang eksaktong kabaligtaran ni Karl. Maliit lamang siya para sa isang volleyball player. May itsura ito pero hindi siya ganoon ka-popular sa mga kababaihan kagaya ni Karl. Kung malamig ang pakikitungo ni Karl sa lahat, si Andrew naman ay pala-kaibigan at masiyahin. Wala siyang pinipiling kausapin. Prangko rin ito magsalita kaya naman sinasabi niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kahit ang kapalit pa noon ay makipag-away kay Karl.

Bagamat hindi talaga gusto ni Karl si Andrew noong una dahil sa ibang ugali nito ay si Andrew lamang ang kauna-unahang taong nakaiintindi sa kanya. Kahit baligtad ang sinasabi niya ay alam ni Andrew ang tunay na kahulugan ng mga ito. Siya ang nag-uudyok kay Karl na gumawa ng mga bagay na hindi niya nais gawin pero nagagawa niya. Sa isang iglap ay naging iba siya salungat sa dati niyang ugali.

Kahit lagi silang nagbabangayan ni Andrew ay palagi pa rin silang magkasama. Kaya naman nahulog ang loob ni Karl sa binata at mas gustong makilala ito ng mabuti. At nang dumating ang gabing iyon ay hindi niya inakala na ang kapalit ng kanyang kagustuhan ay ang pagtanto na ang liwanag ay may dilim din.

Isang taon na ang nakalilipas noong magkayayaan sina Andrew at Karl kasama ang mga teammates nilang sina Troy at Nelson na matulog sa bahay nila Troy upang mag-group study. Kailangan kasi nila ng pasadong marka para makasama sila sa practice game. Hindi man nais ni Karl na sumama roon ay wala siyang magagawa dahil pinamukha sa kanya ni Andrew na magkaiba lang sila ng taas pero parehas lamang sila ng lebel ng utak.

I'll Protect You (Tagalog) - (BxB) Edited VersionWhere stories live. Discover now