"He is my home and I love him so much that I am giving up all the glamour, the wealth, and the dream I have cherished for so long." Labag man sa kalooban ni Penny ay kailangan niyang pakasalan si Lyndon. Laking pasasalamat niya dahil wala pa rin pala itong balak na magpakasal. Gumawa ito ng paraan para hindi matuloy ang pag-iisang-dibdib nila. Pero pabor lang pala rito ang ginawa nitong hakbang. Dahil sa pagba-back out nito ay ipinakasal naman siya sa playboy na pinsan nito na si Macky. Dapat ay maglupasay siya ng iyak pero sa halip ay natuwa siya at nagkaroon ng ibayong pag-asa. May palagay kasi siya na makakaya niyang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Macky. Pero maling-mali pala ang akala niya.