Chapter 2

105 2 0
                                    

"Aisl pabili tatlong stick O"

"ako lima, eto bayad"

"lima rin sakin"

"Teka, teka kumalma kayo, lahat mabibigyan ng ayuda basta pumila nang tama, Hoy 'wag ka munang dumukot!" saway ko doon sa isa kong kaklase na pa-simpleng kumukuha ng stick o.

Today is Monday, at kakatapos lang ng isang class namin kaya habang nag-hihintay ng next class eto ang mga patay gutom kong kaklase, bumibili ng paninda ko.

Nagbebenta ako ng kung anu-anong pagkain sa mga kaklase ko tuwing may pasok, maliban na lang kapag malapit na ang exam week.

"Hindi ako nag-bebenta ng piraso kase lugi kayo. Amin na sampu nyo may walong stick O kayo." Pang-uto ko sa kanila.

Totoo 'yun, tuwing may tig pipiso akong paninda binebenta ko ng sampung piso sa walo, o di kaya limang piso sa tatlong piraso para maubos agad at may tubo ako.

Business strategy? Yes, you may call it that way. ;)

"Oh, Ronan Stick O mo, thank you! Bili ka ulit mamaya ah"

"Luke magkano bibilhin mo? 10 pesos diba? Tas 50 na buo binayad mo, kulang barya ko ginawa ko nalang 20 pesos yung binili mo tas eto yung 30 pesos mong sukli"

"Oy pang Lunch ko pa 'yung sukli ba't mo kinuha? Desisyon ka sis?" reklamo ng bakla kong kaklase pero kinuha rin naman.

"Salamat Master lang sasabihin mo, pinahaba mo pa. Dinagdagan naman kita ng isang stick o e, shh ka nalang sa iba" kinindatan ko si Luke 'tsaka tumalikod para pag bentahan ang iba.

"Pahingi ng Plastic Aisl"

"Amy, hindi ako nagpa-plastic, nakakasira ng kalikasan 'yon kaya pasensya. Kamayin mo nalang sanay ka naman sa kamayan, char eto paper bag"

"Anong ingay 'yang sa likod? back to your seats!" at ayan na ang mataray na teacher namin.

"Mamaya na ulit sa break time" bulong ko sa mga kaklase kong hindi pa nakakabili.

"Attendance muna tayo, Abad, Monica J.?"

"Present po"

"Acosta, Leanna?"

Pasimple kong inaabot sa tatlong kaklase ko yung stick o nila, bayad na kase 'yon kaya hinabol ko lang.

"Present"

"Agati, Aislinn Sinead R.?"

"Stick-O, ay present po ma'am" shet.

Habang naga-attendance pa nililista ko naman yung mga susuklian ko at nasuklian na para hindi magulo mamaya.

Ang kagandahan sa eskwelahan na 'to hinahayaan nila na mag-benta ang mga estudyante nila, tuwing break time nga lang pero ayos din kase dagdag learning 'yung ikaw mismo matututo magpaikot ng pera sa sarili mong kamay.

Mamaya nga bebentahan ko 'yung teachers ko.


"Get your books and open it on Page 177, Del Rosario what was our last lesson?" tanong ni ma'am habang inaayos ang laptop at projector.

Nagulat naman si Rico nang bigla siyang tinawag, mukhang nakalimutan n'ya yung last topic, sabagay ako rin naman.

Napa-open tuloy ako ng notes ko kase may kutob akong matatawag din ako.



Naging mabilis lang ang oras at uwian na, malapit na ako ng gate nang makita ko si Jessica kasama mga kaklase n'ya sa mismong gate, medyo malayo ako sa kanila, nakatayo sila roon at mukhang may hinihintay.

You Will Remain, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon