Chapter 10

88 1 0
                                    

Maaga akong gumising dahil kailangan kong i-prepare ang graham balls na ibebenta ko ngayon. Tuwing may practice kami sa teatro automatic excused kami sa classes pero dahil hapon pa ang simula ng practice, kailangan kong pumasok ng morning classes.


Nililipat ko sa isang malaking tupperware ang graham balls na galing sa ref nang ipatong ni mama ang naka-wrap na libro sa harapan ko.


"Sabi ni Tess sikat raw 'yang author at nakakahiligan ng mga anak niya magbasa ng libro. Naisip kong baka gusto mo rin kaya binili ko 'yan." Hindi n'ya ako tinignan.


Hindi siya nag-sorry sa mga sinabi niya Last time. In this house we don't confront our feelings, if you try to explain why you are hurt, they will just ignore it, invalidate your feelings. It's like a forbidden fruit, kailangan iwasan. We just let it pass, I mean they let it pass.


For my mother, her definition of being a good mom is by giving us a shelter or comfort. While for papa being a father figure is  providing our daily needs. Elora thinks being a sister is just being civil.


Hindi nagkukulang yung family ko sa physical needs ko and I'm always grateful for it. But there are times that I want them to validate me, and hear my side at hindi nauuwi sa argument.


However, she always do this whenever I'm not okay, she's giving me random things na hindi naman necessary. Palaging hindi related sa hobbies or needs ko kaya hindi ko nagagamit. Hindi ko alam kung sadya ba 'to o talagang hindi aware si mama sa mga bagay na hilig kong gawin at nagpapasaya sa 'kin? I don't know how to feel about it.


I uttered "thank you." And that's it, she will think na okay na ako, parang walang nangyaring discrimination last time.


I sighed before getting the book. She doesn't even know that I don't read, yet she gave me this. What am I suppose to do with it?


Binasa ko ang title. Regretting You by Colleen Hoover. Naririnig ko sa mga kaklase ko ang pangalan ng author and yes sikat siya. The problem is, tamad ako magbasa kaya hindi ako nakaka-relate.




Nag-susulat ako ng notes habang nakikinig sa prof nang katukin ako ni Jessica sa sliding window. Katabi ko lang kasi ang bintana nitong room.


Lumingon ako sa harapan para tignan kung naka-tingin ba ang teacher tsaka ko pa-simpleng binuksan ng kaonti ang bintana, "ano?" Bulong ko


"Pang aesthetic ka na lang talaga diyan." Biro niya dahil siguro nakita niyang seryoso akong nag-susulat.


Nilingon ko ang hallway at nakitang nakapila ang section nila, siguro'y may kitchen laboratory sila. TVL ang strand ni Jessica.


"Ikaw yung malaking alikabok ng bintana be!" Umakto akong nandidiri tsaka pinunasan ang bintana. Muli ko itong sinara at nakinig muli sa lesson.


"Aisl" mahinang tawag sa 'kin ni Angela na nasa likuran ko. 


You Will Remain, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon