Chapter 6

80 1 0
                                    

"Did you bring your materials class?" Teacher namin sa Contemporary Arts. "Okay, now go to your groupmates to discuss your art."


Agad akong pumunta sa mga ka-grupo ko. Pagkakaisa ang Tema ng aming proyekto at napag usapan na namin ng mga ka-grupo ko ang ideya kaya't nag-tali na ako ng buhok para makapag concentrate dahil ako ang inassign na gumuhit ng outline, mga ka-grupo ko naman ang bahala sa kulay.


"Class, put effort into your works, ang mapipiling most creative Art exempted sa quiz next week and also, we'll display it on our mini museo sa Foundation Week n'yo and that's three weeks from now." paalala ng teacher namin habang nag-iikot sa amin.


Maingay ang klase, ang iba pagala gala sa ibang grupo upang mang hiram ng mga gamit o 'di kaya'y para mang gulo, ang iba nama'y nagtatanong kung ano ang gagawin ng ibang grupo. Hindi naman kaso iyon sa guro namin.


"Ah by the way, I will give your long test papers, I already checked it, Jira and Rome can you help me distribute these?" At ayon nga sinimulan nang ipamigay ang papers kaya't mas umingay ang klase dahil tinatawag na ang mga pangalan.


"I'd like to congratulate you all for passing the Test, well may iilan ang hindi umabot sa passing score pero mag-aaral na kayong mabuti sa Exam Week kaya ibinigay ko yang papers nyo because most of the questions on your exam, nariyan sa Long test ang sagot."


Sinulyapan ko ang drawing ng ibang grupo. Ang gawa ng isa ay magkakadikit na mukha, ang iba nama'y magkakahawak kamay, meron pang nag drawing ng earth tapos nakapalibot yung mga tao dito, bahagya akong napangiti. Typical na drawing kapag may poster making, pustahan oil pastel at color pencil ang gagamitin nila pang kulay. However, I'm amazed. Kita ko sa mga kaklase ko yung focus nila siguro sabik sila maging exempted sa quiz, sinong hindi 'diba?


Binalik ko ang tingin ko sa canvas na nasa harap. Nag-tagal ang titig ko rito dahil iniisip ko kung paano ko sisimulan.


Inabot ni Jira ang papel ko ngunit bago ko pa tignan ang score, nagsalita muli ang teacher namin. "Congratulations to Ms. Aislinn Agati for getting the highest score, she got 70 over 70, wow! Aisl anak, keep it up!" tuwang tuwang bigkas ni Ma'am Marisell. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.


Agad akong yumuko dahil sa hiya, ayokong napupuri dahil sa grades dahil baka isipin ng iba na favorite ako ng teachers dahil lang matataas ang grado ko.



Gumuhit ako ng apat na tao, sunod ay isang mahabang lamesa, isang malaking mangkok ng lugaw at apat na mahahabang kutsara. Bura dito, bura doon, a lot of shadings. Nang matapos, agad kong inabot ang drawing sa ibang kagrupo ko. Sila na ang bahala sa kulay.


"Hoy Nicko at John kanina pa kayo nag-dadaldalan, wala kayong tinutulong dito. Kayo mag-rereport ah!" Pikon na saad ni Sam, kagrupo ko.


Dahil wala na akong gagawin, pasimple kong kinuha ang cellphone sa bag para lang tignan ang Instagram ko. Agad akong dumiretso sa Account ni Kenzo kase baka may bago siyang post pero wala, Hay. Naalala ko tuloy yung live n'ya kanina.



"Pioneer High may bababa?" Sigaw ng Driver.

You Will Remain, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon