Chapter 3

81 2 0
                                    

"Hmm, The food is good!" si Jay.


"Yeah, right" tugon ko at saka hiniwa itong tapa sa harap ko.


"Rides tayo mamaya sa sky ranch kailangan ko 'yon"


"You okay?" nag-aalala kong tanong.


"Stress ako sa research paper namin, defense na ng title next month e," pero parang hindi naman big deal kanya 'yon dahil kaya naman niya depensahan, matalino si Jessica.


"Teka ano palang meron doon? ang daming tao, hindi na nga nag-papapasok ng customers si Niko pati yung guard" tukoy n'ya sa kabilang room.


"shooting daw"


"weh? tara silip tayo mamaya baka may gwapo! by the way paheram ng camera mo"


"mahiya ka, may harang na nga oh" inabot ko naman sa kanya yung bag ko.


Nag-simula na siya mag-video, aniya vlog take over daw. Tinuloy ko na lamang ang pagkain ko habang pino-promote niya itong lugar na akala mo sponsored kami.



Matapos kumain lumipat kami rito sa Veranda para mag-picture. Si Jessica ang una kong kinuhaan, "Itaas mo ng kaunti yung kamay mo, ang awkward kapag ganyan e" saad ko.


"itagilid mo ng kaunti yung ulo mo tapos harap ka sa side, Ayan bongga mo diyan sis! One more!"


Jessica is wearing a white puff sleeve button and above the knee dress with a small detailed pattern on it she paired her outfit with a plain white sandals. She just let her natural brown curly shoulder-length hair down and it's swaying, how cute! It looks like the wind is dancing with the strands of her hair. She's also wearing a light makeup today.


She's into fitted dresses, naroon ang confidence niya samantalang ako, I always wear sweater or oversized shirts. I just prefer loose outfits or street style tulad ngayon, I'm wearing A white oversized T-shirt with printed design, tapos Beige wide leg pants. Gold chain necklace and black retro shoulder bag paired with white shoes. Aesthetic na ba ako?


One thing I like about Jessica is, she has an angelic face. She got hazel eyes that are screaming for perfection, her tiny nose, and thin lips made her look like a greek woman. Lots of our schoolmates want to be friends with her. Marami ang naa-attract na boys sa kanya from our juniors to seniors since she's active in school activities, pageants and organizations.


Ang nakakainis lang sa kanya masyadong balahura sa mga salita, kung makalat ako, mas makalat siya pero walang duda kaibigan ko nga siya.



Naging kaklase ko si Jessica noong grade 3, transferee siya kaya't walang kumakausap sa kanya tapos inaaway pa siya ng mga kaklase namin kaya isang araw tinabihan ko siya sa upuan at doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.


Maaga kaming naka-uwi dahil parehas rin kaming pagod. Heto ako ngayon sa kwarto at nag-eedit ng videos kanina, balak kong isama yung clips noong nakaraan galing sa palengke dahil maiksi lang naman 'yon.

You Will Remain, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon