Kabanata 33

129 7 0
                                    

Chapter 33: Real World

Hindi ako makahinga.


Sobrang bigat sa pakiramdam at parang sasabog na ang ulo ko sa sobrang sakit ng loob nito. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at sobrang labo lang ng aking nakikita dahil pinalilibutan ako ng glass na may tubig sa loob. Hindi na talaga ako makahinga.


May nakakabit sa'king tubo sa bibig para makakuha ng hangin, ngunit hindi ito sapat para makahinga ako nang maayos.


Malakas kong pinuwersa ang mga kamay ko para ihampas ito sa transparent glass sa aking harapan nang paulit-ulit kasabay ng pagpilit kong pagsigaw kahit na sobrang sakit nito sa lalamunan. Natatakot ako at wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa akin.


Nasaan ako?


Mayamaya pa ay bumaba nang tuluyan ang tubig sa loob kaya nakahinga ako nang maayos. Nakita ko rin ang kabuuan ng nasa harapan ko kung saan may mga taong nakapalibot sa akin na nakakulay puting laboratory gowns. Malaki rin ang kanilang lugar at marami silang kung ano-anong gadgets na hawak. 


Pinagmasdan ko ang aking kasuotan. Kulay itim ito na sobrang fitted sa aking katawan na kahit ang aking buhok ay natatakpan ng aking kasuotan. Binuksan na nila ang glass sa aking harapan at inalok ng isa sa kanila ang kanyang kamay para ako ay makalabas. 


Nasa isa akong stasis chamber kaya marami talaga akong katanungan kung bakit ako napapunta dito. Sa pagkakatanda ko ay sabay kaming tumalon ni Vrake sa building, pero ano 'tong nasasaksihan ko? Sobrang gulo.


Kinuha ko na lang ang kamay ng nag-alok sa akin kaya inalalayan ako ng isang babaeng may salamin sa mata at nakasuot din ng laboratory gown. Nakita ko naman ang naka-ukit sa may dibdib niya. Jordin's Laboratory.


Binigyan ako ng kanyang mga kasamahan ng kulay puting towel na agad ko rin namang tinanggap. Itatapak ko pa lang ang aking paa sa labas ng chamber, pero agad akong bumagsak dahil nakakapanghina lang talaga. Hindi ko maigalaw nang maayos ang mga paa ko.


Mabilis naman nilang kinuha ang magkabila kong braso para alalayan gamit ang kanilang mga balikat. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kanilang laboratory at nanlaki na lang ang aking mga mata.


Nakita ko sa unahan nila ang malaking screen na sobrang pamilyar na lugar. Nandoon ang Mort Ville at Ordinary City na para bang pinag-aaralan nila ang mga pangyayari. Pati ang mapa ng lugar ay nandoon. Nakapaskil din sa kanilang pader ang mga mukha ng mga nakasalamuha ko sa lugar na 'yon. Lalo lang gumulo ang aking isipan dahil sa nakita.


"Huwag ka munang mag-isip para mabilis ang pagrerecover mo," mahinang sabi sa akin ng babaeng umaalalay sa akin. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad, may narinig kaming malakas na sigaw sa hindi kalayuan. Pamilyar ang boses ng sumigaw at halatang-halata mo ang galit sa kanyang boses.


"Akala n'yo ba laruan lang ang mga buhay namin?! Sagutin n'yo lahat ng katanungan ko!"


Vrake.


Mabilis kong ibinaling ang ulo ko sa direksyon ng boses ni Vrake. Nandoon nga siya habang pinagmamasdan ang mga litrato naming nakapaskil sa kanilang pader. Basa rin ang buo niyang katawan at katulad ko na suot ang kulay itim na fitted na natatakluban ang buo naming katawan. Gusto ko ring magwala at itanong ang lahat ng mga katanungan sa isipan ko, pero wala pa akong lakas para gawin 'yon. Nanghihina lang ang buo kong katawan at pipiliin ko na lamang na hindi magsalita.

Mort Ville (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon