Kabanata 42

158 9 7
                                    

Chapter 42: Lola Cattalina

"Zaylee, gumising ka!"


Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pandinig ko. Naramdaman ko na lang ang pagtigil ng aking katawan sa pangingisay at damang-dama ko rin ang pagod sa nangyari. Sobrang sakit din ng ulo ko na para ba itong ipinukpok kung saan man.


I opened my eyes slowly, showing Vrake's worried face. Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko nang makita niyang binuksan ko ang mga mata ko. Nakahinga siya nang maluwag at hinaplos ang mukha ko.


"Thank God! You're awake!" His tone and expression showed how relieved he was, seeing that I'm totally fine. Hindi pa man ako tumatayo, ramdam ko na agad ang pagtulo ng mga luha ko. Iisang tao lamang ang naiisip ko sa ngayon.



"Lola Cattalina."


Nakita ko naman ang malungkot na mukha ni Vrake nang marinig niya ang mahinang pagbigkas ko sa pangalan ni Lola Cattalina. Sobrang pagkahilo ang naramdaman ko, ngunit sinubukan ko ang lahat para tumayo. Hindi ko mapigilan ang paghagulgol dahil sa mga mapapait kong karanasan. Wala pang isang taon ang pagkamatay ni Lola kaya masakit pa rin talaga ang nangyari. Siya na nga lang ang natitira sa 'king pamilya, nawala pa.


"S-si Lola."


Marami ang umalalay sa 'kin kasama ang mga nakaputing naka-laboratory gown, pero gusto ko lang talagang umalis na sa laboratory na 'yon. I'm just fucking tired of laboratories, people wearing laboratory gowns, experiments, and these shitty technologies that can make a massive impact on people's lives.


Gusto ko na lang bumalik sa dati kong buhay kasama ang Lola Cattalina ko. I tried my best na lumayo doon kahit na pagewang-gewang ako dahil sa pagkahilo. Gusto ko lang talagang makaalis na at makahinga nang maluwag. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ng iba kong mga kaibigan, pero nilampasan ko lang silang lahat.


Kung sila ay masaya dahil naibalik na ang kanilang alaala, baliktad ang nararamdaman ko. I'm thankful na naalala kong muli ang pinagsamahan namin ni Lola, pero 'yung sakit sa puso ko dahil sa pagkawala niya, parang hindi ko ata kakayanin.


Nasa labas na ako ng building at kasabay no'n ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sumakto pa talaga. Mas pipiliin ko na lang na umupo sa hagdan na 'to kesa bumalik pa sa loob ng laboratory. Gusto ko sana umuwi na sa bahay dahil naalala ko na kung saan ako nakatira, ngunit nakakatawa man na wala akong pera na dala ngayon. Tanga mo talaga, Zaylee.


"Gusto mo ba talaga umiyak sa hagdan na 'to, Zaylee?"


Pinagmasdan ko ang nagsalita mula sa harapan ko. Basang-basa na rin ang kanyang buhok at hingal na hingal din siya. Palagi na lang niya akong naaabutan na umiiyak. Palagi na lang siyang nandito kapag kailangan ko ng tulong. Bakit ko nga ba kinalimutan? May Vrake pa nga pala akong mapupuntahan.


"I'll drive you home."


Hinawakan niya ang nilalamig kong kanang kamay at inalalayan akong tumayo. Mabilis kaming tumakbo papunta sa kotse niya kahit alam ko namang wala lang din ang pagtakbo namin. Magkakasakit na rin naman kami for sure dahil naulanan na kami.


He immediately opened the door to the shotgun seat para makapasok na agad ako sa kotse. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Naalala kong gustong-gusto siya ni Lola Cattalina para sa 'kin at palagi ko rin siyang kinukwentuhan tungkol kay Vrake. Kung makikita niyang magkasama pa rin kami ni Vrake hanggang ngayon, tiyak na matutuwa 'yon.


Nang makapasok na kami sa loob ng kanyang sasakyan ay mabilis niyang kinuha ang towel sa likuran na para bang alam niyang uulan dahil prepared na prepared siya. Ibinigay niya ito sa akin habang nag-aalalang nakatingin sa akin. "Magpatuyo ka lang diyan. Hindi ko bubuksan ang aircon. Don't worry," malumanay niyang sabi while starting the engine.


"Ikaw rin, Vrake. Basa ka."


"Don't worry about me. Hindi naman ako sakitin katulad mo," naiiling na saad niya habang nagmamaneho. He's right. Mabilis akong magkasakit kapag naulanan kaya good luck to me. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingin sa kalsada kaya't napansin kong saulo niya pa rin ang daan papunta sa bahay ko. "Wow, saulo mo pa rin ang daan," mahinang pagpuri ko sa kanya kaya naman nakita ko ang kanyang pagngisi.


"Of course! Ako pa?" mayabang na sabi niya kaya naman mahina akong napatawa dahil sa inakto niya. Mayamaya pa ay tumigil na ang kanyang sasakyan nang makarating na kami sa bahay. Agad ko naman siyang tiningnan para alukin kung gusto niyang manatili muna doon dahil sobrang lakas ng ulan at malayo-layo pa ang papunta sa kanila.


Hindi ko pa siya naitatanong, pinatay na agad niya ang makina ng kanyang sasakyan. Ay, desisyon ka, Vrake? "Tara. Namiss ko rin namang tumambay sa bahay n'yo," nakangiting sabi niya habang nakikita ko pa rin ang mumunting pagtulo ng tubig galing sa kanyang buhok.


Mabuti na lamang ay may payong na nakahanda si Vrake sa ilalim ng shotgun seat. Hindi ko ba naman alam sa lalaking 'to na hindi man lang sinabi sa akin na may payong pala siya do'n. Sinabi pa niya sa 'kin na saka lang niya naalala na may payong do'n noong naibalik na 'yung alaala niya.


Nakatayo lang ako sa labas ng bahay namin ni Lola Cattalina. I won't deny the fact na mayaman talaga si Lola kaya naman sobrang elegante ng bahay na tinitirhan namin. "I think you need this," nakangising paalala sa 'kin ni Vrake habang iwinawagayway sa harapan ko ang susing hawak niya.


"Oh my! Buti dinala mo!"


"Yeah. Pinaalalahanan ako ni Dad. Sabi niya sa 'kin na for sure kakailanganin mo 'yan. Mabuti na lang at nag-iiwan ka sa amin ng duplicate keys."


Agad ko namang binuksan ang kulay itim naming gate at bumungad sa amin ang maduming swimming pool na halata mong matagal nang hindi nalilinis. Napailing na lamang ako sa naiisip na kailangan kong linisin 'yon. Ipinamana man sa akin lahat ni Lola Cattalina ang kanyang mga ari-arian at kayamanan, hindi ko pa rin magawang kumuha ng mga tao para tulungan ako sa paglilinis dahil sa dami ng ginagawa.


"Hanggang ngayon gandang-ganda pa rin ako sa bahay n'yo," nakangiting sabi ni Vrake habang pinagmamasdan ang kabuoan ng bahay namin sa labas. Sa totoo lang, nakokonsensya pa rin ako na lahat ng mga pag-aari ni Lola ay sa akin na ipinangalan. Tanging maisusukli ko na lang kay Lola ay ang ingatan ang mga ito at pagbutihan ang aking pag-aaral tulad ng palagi niyang ibinibilin sa akin.


Pagkapasok pa lang namin sa loob ay mabahong amoy agad ang bumungad sa mukha namin. "Ang baho mo namang umutot, Vrake!" paninisi ko sa kanya kaya naman mahina niya akong itinulak.


"Wow! Nagsalita ang nag-iwan ng pagkain sa lamesa bago pumunta sa field trip kaya amoy panis bahay mo. Ang ganda nga ng bahay, ang baho naman tulad nung may-ari."


Napangiwi ako sa sinabi niya dahil totoo namang kasalanan ko kung bakit ang baho-baho ng amoy ng bahay na 'to. Bago ko ligpitin ang mga pagkaing 'yon, mabilis akong pumunta sa malaking frame na nakasabit sa may sala namin. Litrato namin ni Lola Cattalina habang yakap namin ang isa't isa.


"Sa tingin mo ba, masaya na siya ngayon?"


Naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ni Vrake at saka ako inakbayan. Kita ko naman sa peripheral vision ko ang pasimple niyang pagngiti habang nakatingin din sa aming litrato ni Lola Cattalina.


"I know that she's happy in heaven and truly proud of her granddaughter. We're always proud of you, Zaylee. Masaya kaming mga mahal mo sa buhay na makita kang lumalaban kahit na marami kang pinagdadaanan. Lola Cattalina will always be your number one supporter kaya you have to be strong para maabot mo lahat ng pangarap mo sa buhay at mas mapasaya mo pa si Lola sa langit. We love you so much, okay? Always remember that."


-----

Read. Vote. Comment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mort Ville (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon