Kabanata 36

121 6 0
                                    

Chapter 36: Make Him Pay

VRAKE

Looking at Keifer's eyes, I can see that he's already excited about his plan. Itinataas-baba pa niya ang kanyang kilay sabay kindat sa akin. He's nuts.


"I thought you have feelings for Cara?" I asked while raising my left eyebrow.


Bigla siyang natigilan sa aking naging katanungan. Tumingin siya sa ibang direksyon at saka bumuntong-hininga. Ngayon na raw kasi mangyayari ang pakikipagtalik niya sa isang scientist kapalit ang mga kasagutan sa aming katanungan.


"I don't wanna force Cara to like me. She's in love with you, not me. Don't worry, Vrake. I'm just enjoying myself fucking someone else. No feelings attached. I'm just doing this for fun, and for us," nakangising tugon niya sa 'kin.


Umiling-iling naman ako sa naging tugon ni Keifer sa akin. I pat his shoulder and gave him an encouraging smile. "Are you sure na hindi ka napipilitan, ha? You don't need to do this if you don't like it."


Napatawa naman si Keifer sa sinabi ko at dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa balikat niya. "Ano ba naman 'yan, Vrake! Sabing nag-eenjoy at nasasarapan din ako, eh. You don't need to worry about me, pre. Actually, medyo nalilimutan ko na nga si Cara, and tanggap ko na 'yung fact na hindi talaga kami para sa isa't isa."


Nagkibit-balikat na lang ako at saka bumalik sa pagkakaupo sa aking kama. Samantalang si Zack naman ay nakahalukipkip na lumapit kay Keifer na para bang may iniisip.


"Are you sure that you'll fuck her without any protection?" 


"May I ask kung anong pinagsasasabi n'yo? I don't get it."


Napatingin na lang kami kay Blaze na halata mong naguguluhan sa mga sinasabi namin. I forgot na galing nga pala siya sa Ordinary City at halata mong inosente pa ang utak niya pagdating sa gano'n. Hindi pa man namin nakakasama si Blaze nang matagal, pero nakasusundo naman namin siya. Katulad nga lang siya ni Zaylee minsan na medyo slow. Oh, Zaylee. Damn. I miss that girl.


Imbis na sagutin ang tanong ni Blaze ay may naisip akong biglang itanong kay Keifer. "Saan kayo mag-sex?" nakakunot ang noo kong tanong kay Keifer. Mayamaya pa ay may bigla akong narinig na susi galing sa labas ng pinto namin. Nakita ko naman ang kanyang pag ngisi habang nakatingin sa direksyon ko. The fuck? Don't tell me-


"Oh, damn! Dito kayo?!"


Nabuksan na ang pinto at nakita ko doon ang babaeng nakasalamin na may kulay asul na buhok. She's wearing her fitted laboratory gown, but I can see how curvy she is even though she's wearing that. Parang sinasadya niyang masikip na laboratory gown ang isinuot para ipakita ang katawan niya. I admit that she's attractive. Hindi nga lang para sa 'kin dahil si Zaylee lang talaga 'yung pinaka attractive sa mga mata ko. Right. Good boy, Vrake.


Nilapitan naman siya agad ni Keifer at saka hinawakan sa bewang ang babae para mapalapit pa ito sa kanya. "Miss me, Ria?" he asked while kissing the woman's neck. Nakita ko naman ang ginawang pagkagat ng babae sa ilalim ng labi niya to seduce Keifer.


"Wait- are you fucking serious na dito kayo?" may halong pandidiri na tanong ko. Nakita ko naman si Blaze na nakanganga na para bang gusto niya ang kanyang nakikita. First time ata niyang makakita nang gano'n. Agad ko namang tinakpan ang mata ni Blaze kaya mabilis siyang nagpumiglas.


"I'm enjoying the view!"


Itinuro naman ni Keifer ang pinakasulok ng kuwartong ito na may puting kurtina. Mabuti na lang talaga at malawak ang kuwarto. "Punta na kami, ha?" Naglalakad pa lang sila papunta sa kurtina ay nakita ko pa ang ginawang pagpalo ni Keifer sa puwet ng Ria na 'yon. Dahil do'n ay narinig ko pa ang malanding pagtawa ng babae.


"Good luck, bro! Huwag sa loob, ha? Baka maging ninong na ako agad," pang-aasar na saad ni Zack. 


Umupo na lang ako muli sa gilid ng kama ko habang si Blaze naman ay para bang gusto pang sumunod sa dalawa. "Anong gagawin nila do'n?" he asked while wearing his playful smile. Hindi ko na lang ulit siya pinansin. Humiga na lang ako habang nakatingin sa puting kisame.


Wala pang isang minuto nang may marinig ako muling ingay mula sa pinto na para bang sinususian ito. Patay kang Keifer ka! Tatayo pa lang ako, pero nanlaki lang ang mata ko nang bumungad sa 'kin ang lalaking nasa pintuan. 


The fucking traitor.


Aktong susugod pa lang ako sa kanya, pero may nauna na agad sa 'kin. Galit na galit si Zack habang pinagsusuntok ang mukha ng dati naming kaibigan. Nagtataka naman ako rito dahil hindi man lang siya sumusugod sa amin. Hinahayaan lang niya si Zack na suntukin siya. Napadura pa siya ng dugo at bumagsak na ang kanyang katawan nang mapagod na si Zack.


"I'm not here as your enemy. I'm here to save all of you," nanghihinang sabi ni Dale na ikinakunot ng noo ko. 


"Paano ka namin pagkakatiwalaan?" mahinahon kong tanong sa kanya at saka pinantayan ang kanyang mukha. I don't want to be fooled again by this traitor. 


"Jordin man ang huli kong pangalan, pero hindi ibig sabihin no'n ay kakampi ako ni Ysidro Jordin. He's been using me and my mother in all of his experiments. I just wanna show him that I'm on his side para hindi ako pagdudahan. Gusto ko nang umalis dito sa Jordin's Laboratory matagal na, but I can't. Wala pa ang tamang oras. My father is willing to sacrifice everything just to make his experiment successful. Kahit na sarili niyang anak at asawa. He's insane."


Parang seryoso ang mga mata niya sa lahat ng sinasabi niya. I don't know if we can already trust his words. Naloko na niya kami dati ng mga kaibigan niya. We are protecting the city with all our efforts, but he's just playing with us noong nasa Mort Ville kami. "Are you sure this time?"


"Yes. Sinubukan ko kayong patayin agad para makabangon na kayo sa eksperimentong 'yon. Pinagmukha ko ang sarili kong traydor para makabalik na kayo agad sa totoong mundo."


Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ni Dale ay may narinig kaming malalakas na ungol sa gilid ng kuwarto na natatakluban ng puting kurtina. Kahit hirap na hirap sa pagtayo si Dale, pinilit pa rin niyang tumayo habang nakakunot ang noo niya.


"What the hell is that sound?"


"Tara, puntahan natin!" nakangiting sabi ni Blaze na para bang nasisiyahan pa. Great! What a weirdo.


Bago pa man makalakad si Dale, hinawakan ko ang kanyang balikat at saka siya binigyan ng matalim na tingin. "Paano mo kami matutulungan? What's your plan?" Bumuntong-hininga naman siya habang tinatanggal ang mahigpit kong hawak sa kanyang balikat. 


"I'll call the police tomorrow bago pa kayo isalang muli sa panibago nilang eksperimento. Sasabihin ko ang lahat ng pangyayari at ang exact address ng pinagtataguan nila. Wala nang makapipigil sa 'kin. This is my plan. To make my father suffer, and make him pay for everything." 



----

Read. Vote. Comment.

Mort Ville (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon