Kabanata 25

182 12 3
                                    

Chapter 25: Keep safe

Lumayo muna kami sa lugar na 'yon para gumawa ng plano dahil hindi kami p'wedeng gumawa ng bagay na padalos-dalos lang. Sobrang dami nila at mahirap gumawa ng hakbang kaya nakakatakot talaga.


"Sino mag-vovolunteer para pumasok sa loob? We need to know kung ano ang tinatago nila sa loob ng building na 'yon. P'wede namang ako na ang is-,"


"Nope. Hindi ka p'wedeng pumasok sa loob dahil napakadelikado do'n. You need to stay, Dale. Ikaw ang pag-asa naming lahat. Kung mawawala ka, para na ring mawawala ang pag-asa ng syudad na 'to. I'll volunteer," nakangiting sabi ni Keifer habang nakataas ang kanang kamay.


Nagbuntong-hininga si Dale dahil sa sinabi ni Keifer. Wala siyang magawa kung hindi ang tumango dahil lahat ay sumang-ayon sa sinabi ni Keifer. Ngayon ko lang talaga nakita ang determinsayon sa mga mata ni Keifer. Ang tapang pala talaga niya at handa niyang isakripisyo ang kanyang buhay para sa kapakanan ng syudad.


"May naiisip ako, pero baka sabihin n'yo na namang kontrabida ako," mahinang sabi ni Cara na nakataas pa ang kilay.


"Go on. Ano naman 'yang idea mo?"


Nag-cross arms si Cara at tinuro kaming dalawa ni Zack. Ano na naman bang problema nito sa aming dalawa? "I think silang dalawa na lang ang pumasok sa building na 'yon. Kahit na mahuli sila, hindi sila mamamatay. Tatay naman nila ang may gawa nitong lahat."


"That's bullshit, Cara. Akala mo ba hindi kaya patayin ni Ysidro ang kanyang mga anak? Alam naman nating lahat na mahina lang si Zaylee at aminin nating mabagal pa siyang kumilos. Gusto mo bang matalo na tayo agad sa labanan na 'to? 'Yung tatay nga nila, nagawang traydurin ang kanyang asawa. Nakikita mo 'yung mga nakatayo doon na nagmistulang robot? Kasama na diyan ang nanay nina Zaylee at Zack," seryosong sabi ni Vrake. 


Napa-irap naman si Cara at sinamaan ako ng tingin. "I don't care kung mahuli sila. Edi 'wag silang iimik kung mahuli man sila. Para naman may ambag sila lalo na ang Zaylee na 'yan."


Konti na lang talaga ang pasensya ko sa babaeng 'to.


"Akala mo ba malaki na ang ambag mo? Ikaw na kaya sumama kay Keifer? Para naman hindi ka lang sa salita magaling."


Nanlaki ang mga mata ni Cara dahil sa narinig kay Vrake. Halata mong nasaktan siya sa sinabi ng lalaking nagugustuhan niya. Dinuro niya si Vrake na may nangingilid na luha sa kanyang mga mata.


"I'll prove you wrong,  Vrake."


Lumayo muna si Cara sa amin upang pakalmahin ang sarili habang si Keifer naman ay mas lumapit sa amin.


"Don't worry. Kahit na anong mangyari, gagawin ko ang lahat para sa syudad na 'to. Mahuli man o hindi, hindi ako aamin. Pangako. Basta 'wag kayong aamin dahil mawawalan ng saysay ang pagsasakripisyo ko ha?"


Nakangiti namang tumingin si Dale kay Keifer at inakbayan ito. "Galingan mo, pre. Hihintayin namin kayo dito sa labas." 

Mort Ville (Ongoing)Место, где живут истории. Откройте их для себя