heaven 8

0 0 0
                                    

Gabriel Kyle madrigal's pov

Napapikit ako ng biglang lumiwanag, liwanag na nakakasilaw, Wala akong makita .

Ng nawala Ang liwanag, unti unti Kong iminulat Ang aking mga mata. Nagulat ako ng tumambad sa akin Ang Isang pamilyar na Lugar.

" Bakit ako nandito" tanging naisambit ko.

Iniligid ko Ang aking paningin, nakita ko si San Pedro'ng abala sa pagtingin sa paligid.

" Ito ang panahong magkakilala pa lang kayo" Sabi nya at ngumiti" panoorin mo, Kung paano kayo nagkakilala, at Kung paano mo Sya minahal" dagdag pa nito

**** Flash back****

Third person's POV

Abala Ang grupo ng mga basketbolista ng Orielle University sa pagpapraktis dahil nalalapit na ang basketball competition sa kanilang eskwelahan. Ginagawa nila ang makakaya nila sapagkat ayaw nilang muling ipahiya ang kanilang kuponan. Nung Isang taon kase, natalo sila dahil aksidenteng nainjury Ang kanilang ace player na si Gabriel, ito rin ang kanilang captain.

Tunog ng nagkikiskisang sa sapatos sa sahig at hiyaw ng grupo Ang maririnig sa loob ng gym Kung saan sila nageensayo.
Tutol na tutoksi gabriel sa pagtuturo sa kanyang grupo. Seryoso ito pagdating sa paglalaro ng basketball pero maloko madalas.

" Break muna, guys! " Sigaw niya ng makita ang mga kagrupong napapagod na.

" Kelangan manalo na tayo mga pre, lampasuhin natin ang kalaban" Sabi ni Liam, sabay tawa,

" Mananalo na Tayo, Tayo pa, Kung nagkataong hindi nainjury si gab noon, tayo ang mananalo," Sabi Naman ni Jerick.

sabay sabay silang nagtawanan. Mga lalaki nga naman.

"Okay lang di manalo, basta ang mahalaga, ginawa natin ang makakaya natin" sabi naman ni gab. Nilinga nito ang buong court ng makita ang isang babaeng kakaupo lamang sa isa sa mga bleachers ng covered court o gym.

"tama! Yan si boss" sigaw ng isa sa kanila. Marami pa silang sinasabi ngunit nakatuon sa babae ang kanyang pansin.

marahil ay din a nakatiis si gab kaya naman ay nagtanong na sya sa kagrupo, medyo may pagkatsismoso rin kase ang mga ito magaling sumagap ng balita.

"Sino ang babaeng iyon?" Tanong nito at itinuro ang babaeng nasa bleachers na kanina nya pa tinitinganan.

Naningkit ang mga mata ng mga kasamahan nya habang nakatingin sa babae na wariy inaalam kung saan nakita o kaya ay kakilala.

" ayyy...kilala ko yan. Anak ng may ari ng school na ito, medyo suplada kaya walang kaibigan,  ayaw rin naman nyang makipagkaibigan  kaya ayan, loner lang" tumango tango si gabriel ay muling pinagmasdan ang babae. Maganda ito na kala moy may lahing banyaga. Walang masabi si Gabriel at nanatiling nakatingin sa babae ng hindi man lang nilingon ang mga kasamahang nagkukwentuhan.

Interesado sya, yan ang kanyang nasisisgurado, kung bakit nais nyang laging nakikita ang babae na iyun ay di nya batid. Hanggang ngayon ay patuloy nya paring inaalam ang pangalan nito, ilang beses na na gumawa ng paraan si Gabriel upang malaman ang tunay nitong pag kakakilanlan.

Isang hapon, nakaupo si Gabriel sa isang bench sa loob ng unibersidad habang dinidribble ang dala nitong bola nang mapadpad ang kanyang tingin sa babaeng kanyang matagal ng gusto. Nilapita nya ito kahit na walang kasiguraduhan kung tuluyan nga ba nyang makikilala ito sapagkat ilag ito sa tao.

"Miss--" hindi nya pa naitutuloy ang sasabihin ng bigla itong tumayo at naglakad palayo, napasabunot sya sa kanyang sarili dahil sa prustrasyong nadadama.

Nang tingnan nya muli ang babaeng ito at nakita nya ang isang bola ng soccer ang papalapit dito, handa ng tamaan sa ulo ang babae. Nanlaki ang mata nya at agad na tumakbo papalapit sa hindi pa nakakalayong babae.

Nang makalapit ay agad nyang niyakap ang babae dahilan upang sya ang tamaan ng bola sa ulo. Napasinghap ang ibang estudyante na nakakita sa nangyari. Pagkatama ng  bola sa ulo ni Gabriel ay pareho silang natumbang dalawa. Laking gulat ng babae ng pagbagsak nila sa lupa ay syang paglapat ng labi ni Gabriel sa kanya. Wala ng malay si Gabriel ng mangyari iyun kaya wala itong ideya sa nangyaring paglapat ng labi nila.

Agad tinulak ng babae si Gabriel at handa ng umalis  ng mapansin na wala itong malay, agad itong umupo sa tabi ng lalaki at tinampal tampal ng mahina ang pisngi nito ngunit hindi parin ito nagkakamalay.

"Help!" she shout, at dahil kilala ng lahat ang babae bilang anak ng may ari ng unibersidad ay agad nila itong tinulungan

❦︎❦︎❦︎❦︎

Nagising si Gabriel mula sa ilang oras na pagkakatulog. Masakit ang ulo nito dahil sa nangyari, malakas din kase ang pwersa ng bola na tumama dito. Inilibot nya ang tingin sa buong silid kung saan sya naroroon, napagtanto nya na nasa klinika ito ng unibersidad. Tumigil ang kanyang paningin sa babaeng nasa may paanan nito, napangiti sya sa di malamang dahilan.

𝑨𝒌𝒂𝒍𝒂 𝒌𝒐 𝒃𝒂, 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒓𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒏𝒈 𝒖𝒈𝒂𝒍𝒊, 𝒎𝒖𝒌𝒉𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏, 𝒔𝒂 𝒕𝒊𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈𝒉𝒖𝒔𝒈𝒂 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒍𝒂 sabi nito sa isip

natutulog ang babae, marahil ay binantayan nito si Gabriel dahil walang maiiwan upang samahan ito.

Batid ni Gabriel na marahil ay guilty ito sa nangyari ngunit ipinagsawalang bahala niya iyon dahil napaka saya nya ngayon na ang babaeng gusto nito ay kaharap nito ngayon, mahimbing na natutulog sa kanyang tabi.

Akmang hahawakan nya na sana ang ulo nito upang haplusin ang malambot nitong buhok ng bigla itong gumalaw at tumunghay. Naiwan sa ere ang kamay ni Gabriel na agad nyang binawi.

Ng marealize ng babae ang kanyang posisyon ay agad itong tumayo at inayos ang sarili.

"I need to go" malamig nitong paalam at akmang aalis ng hawakan ni Gabriel ang kamay nito. Nanigas sya sa kinatatayuan nya, hindi nya alam pero lumakas ang tibok ng puso nya ng maglapat ang kanilang balat. Agad inalis ng babae ang kamay nya sa pagkakahawak ni Gabriel.

"A-ah eh, thank you sa pag sama sa akin" aniya at isang matamis na ngiti ang ibinigay nya sa babae.

"N-no problem, thank you rin sa pag salo ng bola para sa akin"   walang emosyong  sabi ng babae at tumalikod na para lumabas ng kwarto

"Pwede bang.....malaman ang pangalan mo" napatigil ang babae sa paglalakad , nasa pinto na ito ng itanong ni Gabriel ang kanyang pangalan.

Hinintay ni Gabriel na sumagot ito, sa pag aakalang hindi nito nais ay muli itong nagsalita.

"S-sige kung hindi pwed---" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng magsalita ang babae.

"Zhaffirah....Zhaffirah Adellhei Montenegro " sabi nito at nagpatuloy sa paglabas ng kwarto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Coming Back From HeavenWhere stories live. Discover now