heaven 7

0 0 0
                                    

The mission/punishment

(A/n:sorry po kung may typo error, Wala po akong time iedit at saka do ko po napapansin minsan, sorry po, enjoy reading!😊)

Gabriel Kyle Madrigal's pov

" Lord, Sana mapatawad nyo ako sa ginawa ko, gusto ko lang naman pong bigyan ng pagkakataon ang babaeng iyon na magbago" dasal ako ng dasal kanina pa, kinakabahan ako sa magiging hatol sa akin ng itaas.

Magdadala pa ako ng paulit ulit bago ko naisipang magmulat ng Mata at agad Naman na naihulog sa upuan ng makita ko sa harapan ko mismo Ang taong inaasahan Kong pupuntahan ako.

" S-san Pedro," naauutal Kong banggit ng pangalan nya

" May kailangan kang ipaliwanag sa akin Gabriel" turan nito may bahid ng kasiguradohan, Alam Kong Alam nya na at di nga ito palalampasin.

"A-ah eh, may iniligtas along buhay kanina, na sa tingin ko ay nakatakda ng mamatay" tumango Sya sa akin, at patuloy na makinig

" N-naawa lang Naman ako, b-bata pa Sya at pwede pang magbago" patuloy ko na agad Naman nyang sinegundahan

" Pero di mo ba naisip na ikaw Ang mapaparusahan dahil sa ginawa mo, Ang babaeng iyon ay nakatakda ng mamatay, hindi mo pwedeng pakialam Ang itinakda na, " napayuko ako dahil Tama Sya, naisip ko Rin Yun pero pinangunahan ako ng kagustuhang mailigtas Sya, Hindi lang sa gusto ko syang magbago, pakiramdam ko Kasi kilala ko syang matagal na.

" SA bagay, lukso ng dugo at labis na pagmamahal kaya mo yan nagawa, kahit di mo Alam at di mo masabi sa sarili mo, Alam Kong nararamdaman mo at Alam ng puso mo" kumunot Ang noo ko sa sinabi nya, labis na pagmamahal? Anong ibig nyang sabihin,

"Hindi kita makuha sa sinabi mo,"  nakakunot Noong Sabi ko dahil wala talaga akong ideya sa mga sinasabi nya

"Di mo talaga ako makukuha dahil di mo sya naaalala" Lalo akong naguluhan sa mga sinasabi nya, niloloko nya ba ako,

"Teka lang ah, pwede Po bang diretsuhin nyo na ako, sinong sinasabi nyong di ko naalala at labis na pagmamahal" tumayo na ako galing sa pagkakaupo para magpantay kami, nangangalay na kase akong tumingala eh

" Oh sige, Kung Yan Ang gusto mo, sige didiretsuhin na Kita, magkakaroon ka ng misyon, na syang magiging parusa mo dahil sa ginawa mong pagsuway" bumagsak Ang balikat ko, di Naman kase Yan Ang sinabi Kong diretsuhin nya na eh, bat nag iba Sya ng topic, Alam ko na Naman na mabibigyan ako ng parusa dahil mali Ang ginawa ko

" Ang magiging misyon mo ay Ang babaeng tinulungan mo" pagpapatuloy nya na had Kong ikinagulat

" Si zhaff?" Tumango Naman ito

" Mukha ngang kilalang kilala mo na ito ngunit di pa sapat Ang nalalaman mo, marami ka pang di alam sa babaeng iyon at kahit sa sarili mo, "

" Marami syang atraso at marami din ang nagtatangka sa buhay nya, kahit na SAbihin nating nagbago na Sya at balak ayusin Ang buhay kasama na Ang paghingi ng paumanhin sa naagrabyado nya, kapag sarado Ang isip ng Tao ay Wala tayong magagawa, simple Lang Ang gagawin mo, kailangan mo syang tulungan na ayusin Ang buhay nya, maraming kapahamakang nag aabang sa kanya at Alam ko namang di mo Sya pababayaan, pero Ang tanong tatanggapin mo ba Ang misyon na ito?" Mahabang pagpapaliwanag nito, pero Isa Lang Ang di ko maintindihan, bakit nya Naman tinatanong sa akin Kung tatanggapin ko Ang misyon, syempre Naman , kailangan Kong umakyat sa langit noh.

Hindi ako nararapat sa mundo ng mga Tao, sa langit ako Nakatira kaya dun ako nababagay.

" Syempre Naman oo, tatanggapin ko ang misyon,"

" Talaga?... Papaano Kung nalaman mo ngayong na may nakaraan kayong dalawa, relasyon Kung Baga, boyfriend ka nya noong nabubuhay ka pa" agad akong naestatwa, possible ba yun, hindi ko Sya maalala pero pakiramdam ko, kilala ko sya,

" Niloloko mo ba ako, imposible Naman yan noh, bakit di ko Sya maalala Kung ganun" Sabi ko at umiwas Ang mga Mata sa titig nya dahil di ko Alam Kung maniniwala ako,

" Hindi kita niloloko at lalong di ako nagbibiro, " tinitigan ko Sya, naguguluhan parin ako sa mga pinagsasabi nya

Tumayo sya ng tuwid at ngumisi,

" Kuryoso ka ba sa nakaraan mong di mo maalala? Gusto mo bang nalaman bago ka sumabak sa misyon mo? Para Naman may Alam ka Kung bakit nagkaganyan Ang babaeng iniibig mo noon? " Tanong nya, hindi ko na Alam, all this time, hindi ko Alam na ganon, base na rin sa seryoso nyang mukha, Alam Kong di Sya nagbibiro

Wala sa sarili akong tumango, syempre, pingunahan ako ng kuryosidad at pagkalito, hindi ko Alam Kung bakit at papaano nangyari, Basta Ang Alam ko at sa tingin ko magiging malinaw na sa akin Ang lahat sa oras na nalaman ko ang  lahat ng mga bagay na di ko pa naaalala.

Tumango Sya at muling ngumisi

" Panoorin mong mabuti" Sabi nya at pinatunog Ang daliri

Napapikit ako ng biglang lumiwanag, liwanag na nakakasilaw, Wala akong makita .

Ng nawala Ang liwanag, until until Kong iminulat Ang aking mga mata. Nagulat ako ng tumambad sa akin Ang Isang pamilyar na Lugar.

" Bakit ako nandito" tanging naisambit ko.

••••••^_^••••••

Hello guys, sobrang lapit na ng pasko, Sana safe Ang lahat dahil di pa natatapos Ang pandemya, God bless po,

Vote and comment po kayo, papasko nyo na sa akin, hihihi,,,^_^

Coming Back From HeavenWhere stories live. Discover now