heaven 6

1 0 0
                                    

Change

Zhaffirah Adellhei Montenegro's pov

Gising ang diwa ko at ramdam ko ang sakit ng katawan.

Ang kotse ko? Babangga ako?

Napamulat ako at agad ding nagsisi dahil sa liwanag. Naalala ko na ang nangyari pero, patay na ba ako?, Bakit maliwanag?. Diba sabi nila ang masasamang tao napupunta sa impyerno, madilim dun diba at maiinit, bakit taliwas yata.

Sa ikalawang pagkakataon, iminulat ko ang mga mata ko, nasa ospital ako. Nakaligtas ako pero papaano? Alam kong as lagay ko ng mga oras na iyon at dapat patay na ako. Tinignan ko ang mga baraso ko kung may mga galos o hiwang dulot ng aksidente, ngunit nabigo ng walang makitang kahit Isa, sunod kong kinapa ang ulo ko at naramdamang may bandage iyon, marahil sahil sa pagkakauntog ko nagdulot iyon ng sugar sa ulo ko.

Yung lalaki

May lalaki akong nakita, sinalubong nya ang kotse ko, sino Yun, bakit nya yun ginawa o talagang namamalikmata lang ako. Hay, nababaliw na nga ako.

Biglang nagbukas ang pinto ng room na kinalalagyan ko ngayon. Iniluwa nito si Tita Naveen at daddy na baka wheelchair, si Tita Naveen at kapatid ni daddy, 25 years old lang ito ang pinakabunso sa magkakapatid. Napakaganda into kaya't nagtataka akong wala itong boyfriend man lang .

" Tita Naveen,.. ... Daddy"sabi ko at biglang umamo ang mata ng makita ang kalagayan nya. I feel guilty and again for the second time, angry to myself. This is my fault from the very beginning. I started this problem.

Itinulak ni Tita ang wheelchair no dad papalapit sa akin, habang papalapit si daddy nakikita ko ang sakit sa mga mata nya. Mahal ko si daddy, di ko na maaatim na makita syang ganito. Kailangan kong bumawi.

Lahat ginawa nya mabigyan lang kami ng magandang buhay. Oo ngat mayaman kami, pero di tulad ng iba na umaasa na lang sa yaman, sya hindi, nagtrabaho sya ng mabuti, hindi umasa sa yamang ipinamana nina lola sa kanila, bumuo sya ng sariling pangalan, pinalaki nya ako ng maayos, only child lang ako. Minahal nya kami ni mommy ng lubos at ng nawala si mommy dahil sa sakit nyang Cancer labis syang nahirapan na tanggapin iyon. Mahal na Mahal nya si mommy at ramadan ko yun tapos ngayon ginaganito ko sya. Naiinis ako sa sarili ko, mali Ang ginawa ko. Sya na lang Ang meron ako at ako na lang lang meron sya. Kailangan ko syang alagaan at wag pabayaan. Naturingan akong anak pero napaka walang utang na loob ko. 

Biglang nangilid ang luha ko habang nakikita syang papalapit sa akin. Kita ko Ang pagtulo ng luha nya na nagdulot para bumuhos ang luha ko.

" Daddy,,sorry,, I'm so sorry". I said and hug him tight, he hug me back as if he's going to lose me if he didn't hold me tight. Lalo akong napaiyak. I love daddy so much. 

" Shhhh..hush now...it's okay..I'm glad that you're awake now after 3 days of being unconscious" dad said, nagulat ako, 3 days?..what the..

Napatingin ako sa kanya, ganon kanagtagal along walang malay?

" 3 days?..antagal naman ata, hindi naman ako masyadong nagalusan, sa noo lang dahil sa pag kaka untog ko" sabi ko Ng naka nguso, masyadong exaggerated ang katawan ko ha.

" Hay nako zhaffirah adellhei, you don't know how much your father worries about you nang malaman nyang naaksidente Ka" napatingin ako kay dad sahil sa sinabi ni Tita Naveen.

Alam ko, Alam ko na nag alala sya, walang magulang na di mag aalala kung nalagay sa panganib ang anak nya.

" A man brought you here because you commit an accident, that's what manang said" dad explained to inform me

Coming Back From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon