Chapter 1

195 85 46
                                    


Nagising ako dahil ingay ng orasan ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para hanapin ang nagwawalang hello kitty alarm clock bago ito patayin. Nahagip ng mga mata ko ang oras at nakita roon na seven o' clock na pala! Napabalikwas ako ng tayo at dali-daling umalis sa kama ko.

I jumped three times and did some exercises before I drink water.

Omg! I'm nervous, this is my first day in college and hindi pa rin ako makapaniwala na college na ako. Okay lang, ang sabi naman nila Mama at Papa ay baby pa rin nila ako.

Excited din ako kasi alam ninyo na, kapag college kasi ay pwede ko nang gawin 'yong mga pang-adult stuff like travel or party sa club- joke pagagalitan ako ni Mama kapag nalaman na iniisip ko ang club. So, ayon nga. Hindi rin kasi ako pinapayagang pumunta sa malalayong lugar na hindi kasama ang parents ko.

I went to the bathroom to take a short bath, after that I wear my new uniform. My uniform is pretty with its gray color na pinalolooban ng white sleeves. Naninibago pa nga ako sa sa una since ngayon ko lang 'to nasuot pero it's comfortable naman, though the white sleeves are pretty long na umabot sa may wrist ko. It partnered with gray plain skirt na abot lang hanggang sa may taas ng tuhod ko or legs to be exact.

I looked at the mirror to see if the uniform suits me well and hindi naman ako nagkamali dahil bumagay naman ito sa akin. Kahit na maliit ako dahil sa 5'1 flat na height ko ay hindi naman ito naging sagabal para bumagay sa akin ang uniporme.

Yes, I'm small! College na ako pero yung height ko pang highschool pa rin. At alam ko iyon, hindi na kailangan pang ipaalala pa. Hmp.

I braid the right side of my hair at hinayaan ko na lang na bumagsak ang manipis kong bangs. Manipis na kulay itim kasi ang buhok ko at hanggang kili-kili ang haba kaya ang cute tignan.

Omg, ang cute ko talaga.

Nagpa-cute pa ako sa harap ng mirror bago napagdesisyunang bumaba na. Kinuha ko ang bag ko bago masayang bumaba. Nang makarating ako sa baba ng hagdan ay naabutan ko roon si Mama na nag-aayos na pala ng lamesa para sa umagahan.

"Oh anak, kumain ka muna dito para magkalaman ang tiyan mo bago pumasok," Itinuro pa ni mama ang nakahain ng pagkain at niyaya rin akong maupo na.

"Okay po. Ma, nasaan po pala si papa?''" I looked around to find him pero wala siya.

"Ah maagang umalis ang papa mo,'' she told me. Papa is a prosecutor, lagi nalang siyang umaga umaalis kaya minsan ko lang siya maabutan dito. Kapag kasi gigising ako wala na siya dahil nasa trabaho na, kapag umuwi naman siya tulog na ako.

I sighed, na-realize ko na hindi ko na gaano nakaka-bonding si papa dahil sa sobrang busy niya sa mga kasong hinahawakan niya. I already miss him.

Ngitian ko na lang si mama bago nag-umpisang kumain, sinabayan niya naman ako ng maupo siya sa harapan koo. Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain at ng mapadapo ang tingin ko sa wall clock namin ay nasamid ako kaya inabutan ka agad ako ni Mama ng tubig.

''Magdahan-dahan ka kasi, Zary!'' suway niya.

Tinapos ko muna ang pag-inom ng tubig bago magsalita. ''Ma, late na po ako.''

Nilingon niya ang orasan at nakitang malamit na talaga akong ma-late kaya itinayo niya ako ka agad at kinuha ang bag ko bago ito isukbit sa likuran ko. Inayos niya rin ang buhok ko at ang uniporme ko na parang ngayon niya lang napansin.

''Hala, ang ganda ng uniform mo ano? Bagay na bagay sa 'yo!'' Natutuwang sabi niya. Natawa naman ako bago siya halikan sa pisngi. ''Dalaga na ang anak ko, ah.''

''Ma, cute po ba ako?'' tanong ko.

''Nak, magkaiba ang cute at maganda pero ikaw pinagsama mo.''

Pareho kaming natawa dahil doon, bolera talaga ni Mama.

Before This Moment Is OverWo Geschichten leben. Entdecke jetzt