Chapter 4

81 57 9
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos sa pag-iisip ng dahilan kung bakit bigla na lang akong hindi pinansin  ni Liam. Noong hinatid niya kami pauwi sa mga bahay namin ni Lina ay hindi niya ako kinibo buong biyahe, sinubukan ko siyang kausapin pero diretso sa daan lang siya nakatingin. Naunang bumaba si Lina at tinanguhan siya ni Liam pero noong ako ang bumaba at nagpaalam ay hindi siya nagsalita at nang makababa ako ay pinaharurot niya lang palayo ang kotse. Kaya ngayon ay napagdesisyunan kong sa bahay nila dumiretso para makasabay ko siya sa pagpasok.

Kinuha ko ang phone ko sa gilid ko at naisipang i-text si Lina kung gusto niyang sumabay sa pagpasok pero hindi na raw. Mas mabuti raw na magkaayos kami ni Liam ng kaming dalawa lang.

To: Lina

Bakit kaya galit sakin si Liam? Wala naman akong ginagawa:((

She replied...

From: Lina

Pang sampong tanong mo na sa akin 'yan, Zary, pero hindi ko pa rin alam ang isasagot sa 'yo. Ewan ko ba kasi sa 'yo, siguro nung pinanganak ka binabad ka agad sa yelo kaya ngayon lumaki kang manhid.

Huh? Binabad ako sa yelo? Magagawa ba sa akin ni Mama 'yon? 

Agad kong idinial ang number ni mama at sinagot niya naman agad ito.

''Mama, umamin nga po kayo sa akin,'' bungad na sabi ko.

''Oh nak, ano ang aaminin?''

Huminga ako ng malalim bago sumagot. ''Ma, binabad ninyo po ba ako sa yelo no'ng pinanganak ninyo ako? Grabe kayo, ma. Akala ko po ba mahal ninyo ako, bakit parang balak ninyo pa yata akong isahog sa halo-halo noong baby ako--''

''Teka nga, anong pinagsasabi mong bata ka? Kung balak kitang isahog sa halo-halo edi sana wala ka ngayon dito at tinatawagan ako, haysus pumasok ka na nga, tumawag ka para diyaan. Busy ako maglinis ng bahay, kaya sige mag-iingat ka, nak. Bye!''

Nakasimangot kong binaba ang phone ko nang mag end na ang tawag. Bakit hindi sinagot ni Mama yung tanong ko? Natatakot ba siyang iwan ko sila ni Papa sa nalaman kong binabad nila ako sa yelo noong baby ako?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi naman nagtagal ay nasa harap na ako ng bahay nila Liam, pinindot ko ang doorbell nang makalapit sa gate at hinintay na may lumabas. Napangiti naman ako agad nang makita si Tita na pinaghalong pagtataka at saya ang mukha ng lumabas ng bahay at makita ako.

"Oh, Zary, napadaan ka?'' salubong na tanong sa akin ni Tita habang binubuksan ang gate. ''Ang tagal din kitang hindi nakita rito, ah. Tara, pasok ka.''

Minsan lang kami magsabay ni Liam at last month pa yata noong huli naming punta rito para makipag hang out kasama si tita. Pumupunta kami rito kapag gusto namin o 'di kaya ay dito kami sa bahay nila napunta kapag tinatawag kami ng mama niya para pakainin ng cupcakes niya. Itinuturing na rin kami ni tita na mga anak niya kaya feel at home talaga kami sa bahay nila.

"Ah opo tita, na saan na po ba siya?" tanong ko habang naglalakad kami papasok ng bahay. Pinaupo niya ako sa sofa na sinunod ko naman habang may ngiti sa labi.

"Maybe he's in the shower pa, wait lang at ikukuhanan kita ng makakain." Tatanggi sana ako kaso naalala kong nagtatampo si tita kapag nireject ang pagkaing inaalok niya t'wing nandoon kami kaya tumango na lang ako.

Habang nag-aantay ay nilibot ko ang tingin sa bahay nila. Liam's family wealthy. Their house has three floors, Marami ring mga Figurine dahil hilig ito ng Mama niya, mayroon ding mga frames na nakasabit sa dingding. Family picture nila ang pinaka malaki at una mong makikita kapag pumasok ka ng bahay at naglibot, ang ganda at gwapo talaga ng buong pamilya ni Liam. kKahit ata ilang beses ako pumunta rito sa bahay nila ay hindi ako magsasawa.

Before This Moment Is OverWhere stories live. Discover now