Chapter 2

109 73 21
                                    


Dalawang araw makalipas ang nangyari sa hallway ay wala pa ring bago, hindi ko na nga masiyadong inisip ang nangyari dahil sa panlilibre sa akin ni Liam. Kahit papaano nawala ang lungkot ko. Ngayon ay busy kami sa school works namin, tatlong araw pa lang kami rito sa school pero marami na ka agad ang ginagawa. Ano nga bang aasahan ko, normal lang ’to sa buhay estudyante.

Habang unti-unting dumadami ang school works namin ay abala rin ako sa pangungulit kay Aiden. Pagkapasok, break time, kapag may free time, pati na rin kapag uwian. Hindi siya nakakatakas sa pangungulit ko sa kaniya.

T’wing pasukan ay nasa gate ako at nag-aabang sa pagpasok niya. Ang kaso sa araw araw na pag-aabang ko, hindi manlang niya ako tinatapunan ng tingin at nilalagpasan lang niya ako.

Kahit ganoon ay hinayaan ko na lang, nakangiti pa rin akong tatakbo pasunod sa kaniya. Kahit halata namang umiiwas siya dahil kapag nakikita niya ako ay naglalagay siya ng earphones sa tenga niya.

Pero kahapon ay sumaya talaga ako, bakit naman hindi? Tinulungan ba naman ako ng teacher namin para makasamang lumabas si Aiden.

FLASHBLACK

"Sir, this isn't fair," bakas sa boses ni Aiden ang hindi pagsang-ayon habang nakatingin sa propesor.

"Mr. Silvestra. This is your first task. All you need to do is to take picture of foods—"

"Sir, I can do that by myself,"

"Pagkain sa labas, Aiden. At si Zary ang napili kong makakasama mo. Hindi naman mahirap ang pinapagawa ko, Mr. Silvestra. Kukuha lang kayo ng litrato ng pagkain mula sa mga pagkain sa labas at gagawa ng research about the food. This isn't individual task kaya kailangan mo ng makakasama na in-assign ko. Tutal ako naman ang health teacher sa section ninyong dalawa. You can't refuse."

"But Sir—"

"No more buts, the deadline is tomorrow. Pass your project to me with your pictures attached in it. Excuse me, I still have class." seryosong pagtatapos ni Sir bago ako lingunin. Ibinaba ko ang tingin sa kamay niyang naka okay sign kaya nag thank you naman ako ng walang lumalabas na tunog sa bibig ko bago niya kami tuluyang talikuran.

Nakita ko ang inis na mukha ni Aiden dahil hindi nasunod ang gusto niya samantalang pigil na pigil ko naman ang tawa kong kanina ko pa pinipigilan. Napangiti ako ng tumingin ng masama si Aiden sa akin.

Sorry Aiden, kasabwat ko si Sir.

Wala na siyang nagawa kung hindi sundin ang pinapagawa ni Sir. Pumunta kami sa pinakamalapit na kainan sa school namin, McDo lang ang malapit at siguradong masarap ang pagkain kaya roon kami nagpunta.

"Tara na Aiden, pasok na tayo!" masayang sabi ko bago itinuro ang entrance ng McDo. Parang batang excited na excited ako dahil sa pamilyar na amoy sa paligid.

Hindi niya naman ako pinansin, sa halip ay nauna siyang maglakad papuntang entrance ng McDo habang ako naman ay nasa likod niya. Tinulak niya ang pinto bago dirediretsong pumasok sa loob, sumarado naman ka agad ang pinto. Nakangusong tinulak ko na lang rin nag pinto upang makapasok din ako.

Hindi gaano marami ang tao sa loob ng McDo kaya nakahanap ka agad kami ng bakanteng upuan. Pinaupo ko na siya roon at ako na ang umorder sa counter.

Nang matapos ako ay umupo na ako sa upuan sa harap ni Aiden. Halata ang pagka-bored niya habang nakaupo at nakatingin sa labas.

"Aiden, kumakain ka ba ng fillet?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Tumagal ng ilang segundo bago mailipat sa akin ang tingin niya. Hala, parang balak niya akong ihampas sa salaming nasa tabi namin, ah.

"What's your plan? Why did you bring me here? I know you did something and that's reason why I'm here." Sumandal siya sa upuan at nakakunot noo akong tinitigan.

Before This Moment Is OverWhere stories live. Discover now