Chapter 2.1

0 0 0
                                    

FLASHBACK

3 years ago

Umakyat ako sa rooftop ng school namin, wala ng ibang tao akong nakakasalubong kaya siguradong mas peaceful sa rooftop. Gabi na rin kaya saktong sakto para sa inaabangan ko sa taas.

Nang makaakyat na ako ay binuksan ko ang pinto papuntang rooftop, sinalubong naman ako ng malamig na hangin. Nakangiti akong naglakad papasok at isinarado ang pinto. Lumapit ako sa spot na makikitabko ang buong kalangitan.

Sky is really pretty. I won't get tired looking at it. I find comfort in moon, and I found love in stars.

Ang gaganda ng mga stars, kumikinang sila sa ganda. Ang dami nila pero malaki o maliit man, kumikislap.

Pinagpagan ko ang semento sa spot na  lagi kong tinatambayan para makahiga ako. Pumwesto ka agad ako sa paghiga at itinaas ko ang kamay ko na para bang mahahawakan ko ang mga bituin sa pamamagitan no'n.

Mukhang kahit sobrang tagal kong titigan ang kalawakan ay hinding hindi ako magsasawa.

"You love sky, aren't you?" Nagulat ako ng biglang may magsalita kaya napabalikwas ako ng upo. Nilibot ko ang tingin ko para hanapin ang nagmamay-ari ng boses. Hindi nagtagal ay may naaninag ako sa may dilim. Tao, bakit may tao pa rito?

May nakasuot sa leeg ng taong 'yon na camera, pinaningkit ko na ang mata ko pero hindi ko maaninag ang mukha niya.

"At night we see all the shining objects, some of the brighter stars appear to form groups in the sky, these are we call constellations."

Alam ko naman ’yon. Constellations is a name given to the group of stars in the night that make up a certain pattern... Constellations are really amazing.

"We are the group of stars, we can all shine. But the difference between people and stars is, the stars always work together so all of them are shining, but people like us are dragging down each other because of wanting to be shine."

Tama naman siya, Kung ang mga bituwin ay nagtutulungan upang lahat sila ay lumiwanag ibang-iba naman tayong mga tao dahil marami sa ating nag hihilaan pababa imbis na sabay-sabay na umangat. Masaya siguro maging isang bituin.

"Well that's life, it's confusing and tiring. But you know what? Like stars, all of us still shines on our own."

Naglakad siya papunta sa liwanag dahilan para makita ko ang mukha at maliit na ngiti sa labi niya.

END OF FLASHBACK

Natigil ang pag rereminsce ko no'ng tumunog ang phone ko senyales na may nag text sa akin.

From: Aiden<3

What now? Trying to annoy me?

Omg kinikilig ako, Annoy ba? Gusto niya ba habang buhay pa g na g naman ako.

Aiden<3

Hmm pwede naman gusto mo habang buhay pa.

I felt excitement as I saw him typing.

From: Aiden<3

Whatever.

Aiden<3

Tayo forever.

Seen.

Napasimangot ako, grabe siniseen niya lang ako without knowing na isa akong anak ng yakuza—

Panget Calling...

Ano na naman kayang trip ni Liam. Sinagot ko agad ang tawag, para na rin mapigilan ang sarili kong tawagan si Aiden at pagalitan siya kung bakit sineen niya lang ako.

"Oh ano?" Nakasimangot na sagot ko sa tawag.

"Saan?" Ano raw? "sino, bakit, sa paanong paraan?"

Ilang minuto ang tinagal bago ko magets ang sinasabi niya. Si Liam, kulang ata talaga ng purga noong baby siya. "Para kang baliw, Liam."

"Minsan ang swerte mo ay nasa paligid lang, ang buhay ay gan'yan" Imbis na malungkot dahil sineen ako ni Aiden ay natawa ako dahil dito kay Liam.

"Hays sana nga nasa paligid lang." I replied, thinking of Aiden.

"Nasa paligid lang naman kasi talaga ikaw lang yung sa kung saan malayo doon tingin nang tingin."

"Sana all humuhugot." Natawa na lang ako sa ka-corny-han ni Liam.

"Slow mo talaga, uy wednesday na pala kailangan na nating gawin yung kalahati ng task sa chemistry."

"Oo maaga pa naman, sa library natin gagawin, Liam."

"Kasi first day ng klase may report agad na binigay," Pagrarant niya.

"Kaya nga first day diba, pinapasubok lang sa atin kung ano yung nalalaman natin sa chemistry, hindi naman sinabing lahat ireresearch natin." natatawang sagot ko.

"Bakit pa kasi kailangan mag-aral, magagamit ko ba ’yan kapag nag matcho dancer ako?"

Humagalpak ako sa tawa sa narinig, naiimagine ko si Liam na gumigiling sa pole na nasa bar.

"Gusto mo bang gilingan kita, ooh, giling, katawan na matcho'y igiling,"

"Ewan ko sa 'yo, Liam! Basta susuportahan kita sa pag matcho dancer mo."

"Oo naman, hanap tayo mga papi roon. Kalerki mga babae!"

"Hahahahaha." Hawak ko na ang t'yan ko sa sakit dahil sa kakatawa sa pinagsasabi ni Liam.

"Bagay sa 'yo, Liam. Hanap ka ng boys! Basta huwag si Aiden ko, ah?"

"Kadiri! Magkagusto na sa lahat huwag lang sa lalaking kala mo everyday may pula," saad niya. "Maliligo na nga ako, saka uy, straight pa ako sa ruler."

"Naliligo ka pala?" Natatawang sabi ko.

"Oo naman naliligo kaya ako, kailangan pa ba ng video para may proof ng abs ko?"

"Bastos," Narinig ko pa siyang
tumawa bago ko patayin ang tawag.

Nang ma-bored na ako ay nag selfie na lang ako para may mai-upload sa Ig kong nabubulok na. Para rin may makita si Aiden na cute na babae, ’di ba.

Nag peace lang ako at nag smile sa unang kuha, sa pangalawa naman ay hinawi ko ang maikli kong buhok para umayos ang wave bago mag pout at mag wink.

Nung na-iupload ko na ay nirefresh ko ang nf ko at tinignan muli ang caption sa post ko.

Am I cute?:))

Nang makita kong may nagcomment ka agad ay excited ko iyong binuksan. Ang bilis naman nila!

Freberly: yesss! so cute❤️

EulisisPogi: HoW To bE yOu pO??

Leypop: Merry xmas beh,,,

LinaGanduh: Hi! Your load balance of 0.0 will expire on 11/17/2021 11:59 PM. To keep your number and stay connected with your loved ones, reload and dial *143# to register to your favorite promos. Thanks!

LiamXiem: Kamuzta kyo jn ineng?laki mu n ah dti may uhog kpa.

Epal talaga to si Liam, hmp.

Reply

ZarilianaLay: Akala ko ba maliligo ka na!

LiamXiem: ATAT KA 2LL TEKA NAGHUHUBAD NA, KITA KO NA NGA YUNG MAGANDA KONG ABS.

ZarilianaLay: YUCK

LinaGanduh: Ew, kadiri ka Liam.

LiemXiem: Lina, gusto mo rin ba ng video ng abs ko?

LinaGanduh: As if meron, maligo ka na nga, ang kalat mo rito sa comsec!

Kadiri talaga tong si Liam kala mo talaga may abs, napatigil ako sa pagtingin ng comments ng may lumabas sa notif ko at nung inopen ko yun nakita kong kay Aiden galing, hineart niya yung post ko akksnsnsjsj.

Dali-dali kong pinindot ang notification na 'yon pero nagtaka ako nung buksan ko yung mismong post ko, wala naman yung heart niya?

Before This Moment Is OverWhere stories live. Discover now